Pahina 16

27.4K 572 6
                                    

Pahina 16

"Good, you're awake! Here!" Kunot noo kong kinuha ang inaabot sakin ni Lulu na watering pot.

Kaka-baba ko palang ay eto na ang bumubungad sakin. Medyo masakit pa ang katawan ko at feeling ko pa nga ay may pasa ako kung saang parte ng balakang ko.

"Water the plants and flowers sa labas. Ok? Go na!" Napaka arte talaga!

"Lulu?"

"Huh? Yes, Isay?"

"Good morning!" I smile sarcasticly bago ko sya pairap na iniwasan ng tingin.

Tumambad sa harap ko ang mga lalake na nagngingitian habang nakatingin sakin. Parang pinapanood lang nila kami. Binigyan ko sila ng masamang tingin at kusa silang bumalik sa mga ginagawa nila.

I can see Dave sweeping the floor followed by Keeno na nagmomop naman. Javier and Siemon are acting childish habang pinagaagawan ang remote control. I looked for Sera at nakitang sya pala ang nagpupunas punas ng mga gamit isama na pati windows.

Dumeretcho nalang ako sa labas at dun na kukuha ng tubig. Hindi gaanong malamig pero di rin mainit. Medyo mataas na ang araw kaya tamang diligan na ang mga halaman.

"Wow! Shorts and a loose shirt."

Agad kong nilingon ang pamilyar na boses na nagsalita. Inaayos nya ang lupa na pinagtatamnan ng mga halaman at parang nagtatanim din sya ng iilang bago.

"And so?"

"Wala lang. We're in baguio but you're looking way too hot." Napangisi ako at inirapan nalang sya.

"If this is your way of flirting, well, try again next time Zancho."

Tumayo sya at ipinagpag ang shorts nya. Hindi ba sya nilalamig coz he's just wearing a sando. Mahangin. Baka pinagpapawisan na sya at matutuyuan na.

"Really? Hindi effective sayo?" Nakangisi nyang tanong. Nasisinagan ng araw ang mukha nya kaya kitang kita ko sya. He's so gorgeous!

"Medyo."

"Ganun? Ano bang gusto mo?"

I was about to answer kaso ay parang kusang umurong ang dila ko. I looked away at iniwasan nalang sya basta. Sinimulan kong gawin ang iniutos sakin kahit na hindi ako komportableng kasama si Zancho ngayon.

"Bakit bigla kang natahimik?"

"Shhh! Busy ako."

"Isay, nagdidilig ka lang. I supposed it's okay to--"

"Zancho, be quiet! That's an order!"

Pansin ko ang pag iling nya. I don't even know what i'm doing either. Basta natatakot ako. Napaka raming negative thoughts ang pumapasok sa isip ko at yun ang alam kong pumipigil sakin na mailabas ang totoong nararamdaman ko.

Kanina pa ko di mapakali habang kumakain. Kusang nagtatagpo ang mga mata namin ni Zancho pero pilit akong umiiwas ulit ng tingin. Mas naging uncomfortable ako ng biglang magsalita at magtanong si Sera sa akin.

Pinilit kong huwag ipahalata ang pagkataranta ko. Kalmado at walang tensyon kong sinagot ang tanong ni Sera. Pero bakit kung kailan kalmado na ko ay kusang nadadapo kay Zancho ang mga tingin ko?

Hindi na naman ako komportable kaya nagpaalam nalang ako na pupunta muna sa kusina. I need to breathe.

This is insane! Mababaliw na ko hindi lang sa pagiisip ng dapat gawin sa nararamdaman ko kundi pati narin sa pagtatago. We have the same circle of friends at ngayong may nangyayari sa amin ni Zancho, paano nga ba namin to ipapaalam sakanila? Clearly we have to dahil ang hirap na magtago.

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon