Pahina 18

25.2K 542 1
                                    

Pahina 18

Sobrang lalim na ng gabi at ngayon lang kami nakarating dito sa hacienda. After all those drama ay nagawa nya pa kong pangitiin at patawanin. There's really something in him. And i like it.

"Oh! Bakit ngayon lang kayo? Mapupuyat na ang lolo mo kakahintay sayo!"

Si Mama ang bumungad sa amin. Si Zancho na ang nagsabing magpapakita muna sya sa pamilya ko bago umuwi para di na sila magalala o magtanong pa kung sino ang naghatid sa akin.

"Sorry po Ma!" I kissed her cheeks bago dumeretcho kay Lolo at Lola na papalapit na sa amin.

"Isay! Muntik na kaming magalala. Di mo man lang nagawang tumawag?" Malumanay na paninita sa akin ng Lola ko.

"Sorry po. Di na po mauulit." Yumakap at humalik ako sakanila bago tinuon kay Zancho ulit ang tingin ko.

"Hinatid ko lang po si Isay. Didiretcho na po ako ng uwi." Pagpapaalam nya agad.

"Ay hindi na! Dumito ka na hijo at bukas ka na umuwi. Ipapaayos ko lang yung isang guest room. Doon nalang sa malapit sa kwarto mo apo." Ayon ni Lola.

Kokontra na sana si Zancho ng unahan syang magsalita ng Lolo ko.

"Oo nga hijo. We insist! Masyado ng madilim." Ayon ni Lolo.

"Uhm.. Sige po. Sabi nyo po eh" Lahat sila ay napangiti pa lalo ng ngitian sila ni Zancho na kahit ako ay di ko makakaila na nakakahawa talaga.

"Anak, ihahatid ko na ang Mama at Papa sa kwarto nila. Ikaw ng bahala kay Zancho tapos ay magpahinga na kayo." Bilin sa akin ni Mama bago inakay si Lolo paakyat.

Sinundan ko lang sila ng tingin at ng nasa itaas na sila ay tsaka ako muling lumapit kay Zancho.

"Uhm.. May spare ka pa bang damit na dala?"

"Yup! Di ko naman nasuot lahat nung nasa Baguio tayo."

"Good! Let's go."

"Uhh.. Isay?" Tumigil ako sa paglakad at nilingon sya. Napapakamot pa sya sa batok nya at nakayuko lang.

"Hatid lang sa kwarto huh? Masakit pa yung ulo at buong katawan ko dahil sa haba ng byahe eh" Napakunot noo ako at ng ngumisi sya ay tsaka ko lang sya naintindihan.

Nagpipigil ako ng tawa ng hampasin ko ang braso nya. Napalingon rin ako sa itaas dahil baka may nakarinig sa sinabi nya.

"Sira ulo ka talaga!" Lumapit sya sa tenga ko at bumulong.

"Nakakasira ka kasi ng ulo."

Agad ko syang tinulak palayo sakin. Mata sa mata nya 'kong tinititigan kaya naman medyo kinilabutan ako.

Umirap ako at nagsimula ng maglakad paakyat. Hindi ko nalang inintindi ang sinabi nya at baka humaba pa ang usapan at kung ano nanaman ang lumabas sa bibig nya.

"Maiwan na kita jan. Inaantok na ko." Ayon ko ng nasa tapat na kami ng guest room.

"Sige. Thank you huh?"

"Wala yun."

"Tsaka, diretcho tulog na Isay huh? Baka isipin mo pa ko, mapupuyat ka pa!"

Agad kong hinampas muli ang braso nya pero imbes na umaray ay panay hagikgik pa sya. Ang lakas talaga mangasar nito!

Iniwan ko na sya at dumeretcho sa kwarto ko. Naglinis ako ng katawan at hihiga na sana pero parang nawawala ang antok ko. As usual, kahit nandito ako sa hacienda ay hirap parin ako makatulog.

Nasandal nalang ako sa headboard ng kama ko at nagbukas ng facebook. May iilang pictures na naka-tag sa akin and as usual, si Lulu ang nag upload. I think nasa baguio palang kami ay panay post na sya ng litrato.

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon