Pahina 2

49K 702 6
                                    

Pahina 2


Dumeretcho ako sa bahay ng isa sa mga kaibigan ko. It's not that she's so special kaya sakanya ako pumunta. I just picked randomly at sya ang napili ko.

"Oh! Hi there, Isay!"

"Hey Lulu. Patambay?"

Ngumiti lang sya at agad akong pinapasok sa loob. Their house is not that big pero malaki narin kumpara sa iba. They're rich so they're famous. Lulu likes the attention. My family are also rich and famous. But i don't like any attention. Kahit na anong atensyon. Ayoko! Yan ang isa sa maraming pinagkaiba namin.

As usual. She's doing something girly and i'm just watching TV. Feel at home ako tulad nya pag nasa amin naman sya.

"So? What brings you here?"

"Wala lang."

"Ahhh.. Oh hey! Birthday na ni Damian tomorrow. Pupunta ka?"

"Pupunta ka?"

"Ofcourse! Alam naman nating bukod sa mga kaibigan natin, marami pang hot guy friends yung si Ian!"

"Ah. Okay."

"So pupunta ka nga ba?"

"Sure. Whatever."

Pumalakpak pa sya dahil sa excitement. Makukumpleto na daw kasi kami. Siguro ay nakauwi na sina Keeno at Siemon at doon na magpapakita samin.

Yup! Kumpleto na nga.

Halos gabi na ko nakauwi. Inutusan pa ako ngayon ni Mama na mag grocery kaya ni hindi man lang ako nakaupo paguwi ko. Oh well, ako naman lagi ang nakatoka nito. Wala naman kasi kaming maids eh. Ayaw ni mama at mas ayaw ko. Para lang sa mga tamad yun.

Parang ang daming nasa listahan ngayon kumpara dati. Siguro may lulutuin na naman si Mama para kay lolo at lala. Ano bang meron? Sa linggo pa naman kami pupunta dun. May iba pa bang okasyon?

"Oh my-- Sorry!" Bulalas ko ng may makabangga ang cart ko.

"No, no! Okay lang-- Isay?"

"Huh? Hmm.. Zancho."

Para kaming tanga na nagkatitigan ngayon. Umiwas lang ako para lingunin ang paligid at baka may nakakapansin na samin. Nakakahiya.

"Kanina ka pa dito?" Bigla nyang tanong.

"What? Hindi. Bakit?"

"Ay! Wala. Wala naman."

"You're weird."

"Wow! Nagsalita ang hindi weird."

Binigyan ko sya ng matalim na tingin. Nginisian naman nya ko pabalik. Ofcourse hindi na nga naman to tatalab sakanya. He's used to it.

He's living alone kaya i'm not surprised kung sya ang naggogrocery ngayon. Atleast marunong sya. Wala rin yang mga katulong sa bahay nya. Ewan ko kung tulad ko syang ayaw ng ganun kasi pang tamad lang or baka may iba pa syang reason? You know? Private stuffs?

Hindi naman kasi panget tong lalakeng to. Infact. He's attractive. But not to me. Why would i? Alam kong maganda ang tikas ng katawan nya, May katangkaran, Hindi kayumanggi pero di rin mestiso ang balat, maybe something in between at fair yun, Mayron rin syang malalim na dimple sa magkabilang pisngi na mukhang ginagawa nyang asset nya. Yup! I'm not attracted to him!

Panay ngisi lang ang ganti nya sakin. Akala nya siguro ay mapapalambot nya ko sa mga ganun nya. I'll admit. Bagay sakanya kasi lumalabas ang dimples nya. Pero hinding hindi ako maaakit dahil lang dun.

"I'll go ahead." Ayon ko.

"Wait! Pikon ka rin eh noh?"

"Ugh! What do you want, Zancho?"

"Sabay na tayo! Tulungan na kita."

"Kaya kong magisa."

"Alam ko! Pero tutulungan pa rin kita. Magkunwari ka namang kailangan mo ng tulong ko."

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw! Napaka mailap mo. Nakikipagkaibigan na nga yung tao eh!"

"If this is what you call nakikipagkaibigan then no thanks. Wag nalang! Good bye."

Hindi ako agad nakaalis ng bigla nyang hagitin ang braso ko. May toyo na naman siguro to at ako pa ang naisipang pagtripan.

"Look, Isay. Sa ating magkakaibigan, laging tayo ang may problema. Ano bang problema mo sakin?"

"You really want me to answer that?"

"Syempre!"

"Yang ugali mo! I can see my dad in you. And i hate it."

"What?!"

"Bye!"

Agad kong tinanggal ang kamay nya sa braso ko. Mabilis din akong naglakad palayo. I don't want to see him.

It's true. Kilala ko na sya since high school palang at talagang ayokong maging close sakanya. I can see how he would leave a girl just like that. Na parang walang nangyari sakanila. Na parang hindi nya kilala yung babae.

Parang si Papa. Biglang nangiiwan. Ni walang sabi sabi. Na para bang wala lang si Mama sakanya. Na wala lang akong anak nya para sakanya. I hate it. I hate him. I hate them.

Mabilis kong tinapos ang inutos ni Mama at umuwi. Nasira ang gabi ko dahil sa lalakeng yun. At lagi na namang masisira dahil di na naman ako makakalayo lagi sa barkada. Bakit ba kasi naging kaibigan pa nila si Zancho?

Ako na ang nagayos ng mga pinamili ko. Sinabi ko kay Mama na ayoko ng mag gabihan at pagod ako. Dumeretcho nalang ako sa kwarto ko at nahiga na.

Nakakainis! Ang bilis uminit ng dugo ko sa lalakeng yun. Kung sana ay matino sya edi mas okay. Pero di hamak na mas okay pa si Javier na babaero sa lahat kaysa sakanya.

Ang mga lalake nga naman. Pag nakuha na ang gusto, mawawala nalang bigla. Walang paa-paalam. Basta magigising ka nalang, wala na sila.

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon