Pahina 8

30.7K 557 1
                                    

Pahina 8


Dumeretcho na ako dito sa hacienda ng matapos ang klase ko. Nadatnan kong nakaupo sa hardin si Lolo at Lola. Hindi ako agad lumapit ng makitang naglalambingan pa sila.

Nagpatingin na sa doctor si Lolo. Kailangan pa daw magsagawa ng mga test para malaman kung anong sakit ang mayron sya. So far sa nakikita ko ngayon at dahil rin sa tuloy tuloy na pagpapahinga ni Lolo ay mukhang ok na sya. Di na nga lang tulad ng dati na pwede syang kumilos ng kumilos. But atleast, ok na sya.

"Ang sweet talaga nila."

Nilingon ko ang tumabi sakin at talagang todo ngiti habang nakatitig kay lolo at lola.

"Because they really love each other, Ma."

"Kaya nga eh."

"Naiinggit ka po noh?"

"Tsk! Eleissa, Tumigil ka nga."

"Buti nalang kahit iniwan tayo ng anak nila, nanjan parin sila para sating dalawa."

"Isay! Enough of that anak. Don't think of your father as a bad person. He's not. Mahal ka nya. May mga bagay lang talaga na--"

"Lalapitan ko na po muna sila. Sunod ka nalang po Ma!"

Kita ko ang pagiling iling ni Mama bago ako tumakbo palapit kay lolo at lola. As much as possible ay ayokong may ikwento pa si Mama sakin tungkol kay Papa.

I think she should stop talking about a person who is not here. Never in here.

"Invite your friends hija. That'll be fun!"

"Sige po Lola. Sasabihan ko sila. Kaso don't expect too much po sa mga yun ah? Baka di lahat makapunta."

"That's okay. Basta yayain mo pa rin sila!"

Wedding anniversary na ng lolo at lola ko the day after tomorrow. Matagal na nilang napagpasyahan na gawing enggrande yun at halos ok na nga yata ang lahat. Nagkakaroon lang ng problema dahil sa pagkakasakit ni Lolo.

"Eh apo! Wala ka pa rin bang ipapakilala sa amin?" Biglang tanong ni Lolo.

"Po? Sino pong ipapakilala?"

"You know? Boyfriend. Or kahit manliligaw lang! Wala pa rin ba?"

"Naku Lolo! Wala po. Wala po akong balak magkaron ng boyfriend. Mangiiwan lang din naman sila."

Napansin ko ang biglang pagtahimik ni lolo. Ng tignan ko sya ay nakayuko lang sya at nakatitig sa mga kamay nyang magkahawak.

"S-sorry po."

"No... No hija! Don't say sorry."

"Pero... Kasi po... Basta! Sorry po huh? I still can't trust boys."

"So you don't trust Lolo?"

"Lolo naman eh! Hindi po ganun. Excempted ka po. Mukha ngang you're the only man i trust."

Hindi na sumagot si Lolo. Niyakap ko nalang sya galing sa likod nya habang nakaupo lang sya. Minsan nawawala sa isip ko na anak nila ang Papa ko at kung ano nalang ang gusto kong sabihin ay basta basta kong sinasabi.

I should really learn how to control my mouth and also my thoughts.

* * *

"Oh ayan! Busog na naman kayong lahat hah!"

Kanina ko pa kinakausap ang mga alaga naming kabayo na pinapakain ko. Kahit ang mga tapos ko ng asikasuhin na iba pa naming alaga ay nakausap ko na. Siguro dito lang ako nagiging madaldal talaga.

I'm back to the usual me. The normal me. Thick, messy semi-curly long hair tied up. Bare faced. The usual plain white v-neck shirt. Ripped jeans and boots. Yup! This is how i like it. I feel so comfortable.

Nilinis ko narin ang bawat kulungan nila. My friends said na hindi daw normally gawain ng isang babae ang ginagawa ko but who cares? I grew up doing this same old thing at ngayon pa ba ako makikinig sakanila?

"Isay-- Oh my gosh!" Tinanaw ko ang maarteng boses na tumawag sa akin.

Di ko naman maiwasang matawa dahil parang hirap na hirap maglakad papalapit sa akin si Lulu na kasama si Sera at Coreen.

"Why the hell would you wear pointed high heels here, Lulu?" Natatawa kong ayon ng makalapit na sila sa akin.

Mas nagtawanan naman kami ni Coreen ng batukan ni Sera si Lulu ng maginarte to dahil sumasakit na daw ang paa nya.

Niyaya ko nalang sila sa bahay para naman makaupo na ang donya on heels. Nasa loob si Mama at ng makita nyang kasama ko ang mga kaibigan ko ay agad nya silang inasikaso.

"Hmm... Ang bango! Mukhang masarap ang niluluto ni Tita Vera." Ayon ni Sera na mukhang excited ng kumain kanina pa.

Ikinuha ko ng spare slippers si Lulu kasi nakita kong namamaltos na ang paa nya. Kung di ba naman kasi isa't kalahating tanga tong kaibigan ko, Alam naman nya kung anong itchura ng bahay namin ay magmamataas pa syang sapatos. Pointed pa! Malambot lang ang lupa ng damuhan kaya talagang mahihirapan sya.

"Oh! Kain ng kain hah!" Nakangiting yaya ni Mama sa mga kaibigan ko.

"Iba po talaga luto mo Tita. The best!"

"Bolera! Pag narinig ni Selena yan, Naku! Patay ka sa mommy mo Sera."

"Oo nga po. Haha! Matampuhin eh. Dun yata ako nagmana?"

"Mukha nga. Kung magtampo ka kay Coreen akala mo boyfriend ka nya."

Umandang susuntukin ni Sera si Lulu pero agad hinarang ni Lulu ang braso nya sa mukha kaya naman napahalakhak agad si Sera. Naku! Nagaasaran na naman ang dalawang bata.

Iniwan kami ni Mama at dumeretcho sya sa living room. Panay kain naman si Sera at si Lulu ay minamasahe parin ang paltos nyang paa sa ilalim ng lamesa.

"So okay na kayong dalawa?" Tanong ko. Nagkatampuhan kasi si Sera at Coreen the other day. Di ko nagawang sumama nung susuyuin ni Coreen si Sera dahil kailangan kong unahin nun ang lolo ko.

"Naku! Oo, ok na kami nyan. Kaya lang... Jusko! Matalinong bobo talaga." Ayon ni Sera.

Sera is like a typical normal girl na walang arte. Sa ibang bagay lang. Mabilis syang mainis tuwing si Lulu ang nagiinarte dahil naaalibadbaran daw sya. Sya rin ang pinaka matanda saming apat kaya sya ang parang nagpapaka ate na. She's so responsible and that's something i really like about her.

"Bakit ba?" Tanong ko nalang.

"It's because Dave is in love na pala sakanya. She's also in love narin kay Dave kaya lang daw nilalabanan nya ang feelings nya. Corny." Sagot ni Lulu.

"Is that because of the rivalry between the Villafuertes and Cojuangcos?"

"Oh! Pati si Isay alam nya. Kayo lang talagang dalawa ang di makaintindi sakin eh"

"I know about the rivalry, Coreen. Pero why? Alam ko na matagal ng tapos yun. Bakit ginagawa mo pang issue ngayon? Or are you just making that as an excuse dahil feeling mo hindi ka pa rin nakaka move on kay Marco?"

Hindi nakasagot si Coreen at natahimik nalang. Kita kong napapalunok nalang sya habang diretcho ang tingin sa akin. Natahimik rin si Sera at Lulu.

Ibinalik ko ang tingin sa pagkain ko. Tahimik na ang mga kaibigan ko at kung wala na silang sasabihin ay ok lang naman. Mukhang may impact sakanila ang nasabi ko kahit para sakin, tanong lang naman talaga yun.

"You know what? You can never escape from your past unless you face it." I paused. Nilingon ko si Coreen na di parin pala inaalis ang tingin sa akin.

"You'll never be happy if you still lives in your past. Move on. Took the chance to fall in love again. Ofcourse you'll get hurt, lahat naman eh! Pero mas ok na yun. Kaysa naman mabuhay kang may pinang hihinayangan."

I was never a love guru. Alam ko na kung sa sarili ko sasabihin yan ay maiinis lang din ako dahil di ko magagawa. Ni magtiwala sa lalakeng kaibigan ko lang ay di ko na magawa. Magmahal pa kaya?

I'm not scared na ma-broken hearted. I'm not scared na maloko. I'm just scared to be left alone. Lalo na ng walang paalam.

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon