Pahina 19

25.9K 506 4
                                    

Pahina 19

"Anyway, Isay? Kamusta pala kayo ni Zancho?"

Kusang tumaas ang isa kong kilay sa tanong ni Keeno. Napatingin pa ko kay Sera pero bahagya lang syang umiling sa akin.

Kanina pa sila nagbibiruang dalawa at ngayon, mukhang ako naman ang gusto nilang guluhin. Masyadong busy ang iba kaya sa ngayon ay kaming tatlo lang ang magkakasama.

"What about us?"

"You know? Di ba tumutulong sya sa rancho nyo? Edi lagi na kayong nagkakasama. Ibig sabihin ba nun hindi na kayo enemies?"

"Well, not totally. Pero hindi na kami ganun mag-away tulad ng dati"

Bigla syang nagpakawala ng halakhak na para bang joke yung sagot ko. What's his problem?

"Anong nakakatawa?"

"Sorry! Pero kasi, ikaw lang naman ang nang aaway kay Zancho eh!"

"Excuse me? Ang lakas kaya nyang mangasar! Nakakabwisit pa bawat kilos nya. Tsaka, laging ako ang nakikita para bwisitin!"

"Ganun rin naman yung iba sayo hindi ba? Bakit sakanila di umiinit dugo mo?"

Hindi agad ako nakasagot kahit na alam ko nanaman ang dapat isagot sakanya. Baka mapakwento pa ko ng di oras kung pahahabain ko to.

"Shut up! Tigilan mo na nga ko! Si Sera nalang yang pakialaman mo."

Muli nanaman syang natawa kaya pakiramdam ko ay nauubos na ang pasensya ko. Siniko naman ako ni Sera at sinenyasan na kumalma. Ayoko lang talaga ng inuusisa ako.

Hinayaan ko muli silang dalawa at itinuon nalang ang atensyon ko sa movie na pinapanood ko kanina pa. What taking him so long? Baka nang bababae na! Kainis!

Nagpaalam ako na pupunta muna sa comfort room hindi lang para lumayo muna kay Keeno pero dahil gusto kong magsolo muna sila ni Sera. They get along well.

Natapos na ko't lahat ay di pa rin lumalabas itong magkakaibigan na to. Bakit kaya ang hilig hilig ng mga babae na mag take ng pictures sa cr? What's with them? Maganda bang background sa photo ang mga cubicle? Ugh!

I ignore everyone as i walk out the comfort room. As usual, i can feel some students staring at me. Wala namang bago. For them i'm the weird, freaky girl na nakakatakot tumitig at nakaka intimidate pansinin.

"Hi beautiful." Agad akong napaatras kahit na pakiramdm ko ay na-stiff ang buong katawan ko panandalian.

"What the hell?! Ang daming tao!"

"Ito naman! Masama ka bang yakapin? Ang sweet nga diba? A hug from behind" Pinipilit kong magpigil ng ngiti.

Lately, here he is at todo todo na ang pagiging sweet. I don't even know kung nasaan na ba kami? On what level or stage is our relationship is. Kasi malinaw naman na hindi nalang kami basta magkaibigan.

"Just cut it out Zancho! Baka kung sino pang makakita satin, kung ano pang isipin eh" Kunot noo kong ayon.

Here he is again, smiling na para bang nangaasar nanaman! Minsan gusto kong ngumingiti sya ng matamis sa akin pero madalas, pakiramdam ko na nangaasar lang talaga sya.

"Liligawan kita."

"Hindi yan patanong."

"Because i'm not even asking. Liligawan kita whether you like it or not." Agad na napakunot ang noo ko.

"And what is that supposed to mean?"

He looked away matapos hagitin ang kamay ko at talagang pinag interwine pa ang mga daliri namin at kumapit ng mahigpit sakin.

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon