Pahina 25

23K 473 4
                                    

Pahina 25

"Eleissa?... Excuse me Ms. Salcedo? Are you even listening?"

"Uhm... Opo! Sorry po."

I can't focus anymore. Nilingon ko si Lulu at nakitang nagtatanong sya kung ok lang ba ako. Tumango ako bilang sagot at umiwas na muli ng tingin.

Natapos ang lahat ng klase ko na wala ako sa wisyo. Ang daming pumapasok sa isip ko. Lalo na'ang mga tanong. Kung pwede lang na itulog ko nalang ito at gumising na walang naaalala ay gagawin ko.

"Alam mo Isay, if hindi mo kayang magfocus, pwede ka namang magpahinga muna! Give yourself a break, darling"

"Kailangang may gawin ako. Mas lalo akong hindi magiging ok pag nakatigil lang ako, Lulu"

Nagkibit balikat nalang sya at di nagsalita. Sabay kaming pumunta dito sa tambayan at nadatnan si Siemon, Damian, Keeno at Cairo.

"Kayo lang? Wala pa yung girls?" Tanong ni Lulu.

"Wala pa. Ayaw pang i-dismiss ng prof nila" Natatawang sagot ni Cai.

"What about Dave?" Tanong nanaman ni Lulu.

"Ano pa ba? Nasa labas ng room nila Coreen. Nagaabang" Sagot agad ni Ian.

"Eh si Javier?" Lahat ba talaga ay kailangan itanong nitong babaeng to?

"Lately, bigla nalang syang m.i.a. Nagtataka na nga rin ako." Sagot naman ni Mon.

Napapatango lang si Lulu habang paupo na. Kahit kailan, Kailangan talaga muna nya itanong lahat bago sya mapirme.

Nitong mga nakaraan, pansin ko na bibihira kaming mabuo. Lahat ay may kailangang unahin which is hindi naman masama dahil lahat naman kami ay nagaaral pa. Pero kahit alam namin na free ang iba, hindi pa rin nila magawang magparamdam.

Katulad nitong si Javier. Totoo na madalas syang m.i.a pero minsan ay nakikita ko syang pumupunta sa kabilang building imbes na magpakita nalang samin. Wala naman syang ibang gagawin dun dahil puro med. student ang nandun sa building na yun...

"Ay! Si Zancho?" Tanong ko bago maupo.

"Kakaalis lang nya. Bumili ng pagkain" Sagot agad ni Keeno.

"Wait lang. Susundan ko sya." Ayon ko at nagmadaling umalis. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Lulu ng pagkain na bilhin ko daw para sakanya.

Habang naglalakad na ay nakasalubong ko pa si Maiko at ang mga kaibigan nya. Mabait itong ate ni Coreen, sadyang kung hindi mo lang sya lubos na kilala ay mapagkakamalan mong suplada, mataray at masungit sya.

I smiled at her habang yung isa nyang kaibigan ang bumati talaga saakin. That girl was the previous student council president. Yung isa namang babae ay sinundan lang ako ng tingin. Creepy. Pero wala ng bago dun dahil sabi ni Sera, na pinsan nya, ganun daw talaga yun.

Kumpara kay Coreen, sobrang konti lang ng kaibigan ng ate nya. I believe halos apat o lima lang ang sinasamahan nya pero may kasabihan nga na hindi mo naman kailangan ng maraming kaibigan, kahit konti lang basta totoo ay ayos na.

Mabilis akong pumasok sa canteen at hinanap si Zancho pero hindi ko sya makita. Ano ba yan! Baka naman nagkasalisi na kami!

Agad nalang akong lumabas at babalik na sana sa tambayan pero di ko maiwasang lingunin ang naaninag ng mga mata ko. Nakakaloka! Let's say na medyo tago nga iyon pero still, meron pa ring pwedeng makakita sakanila. They're overly having a public display of affection-- Wait!

What the hell is going on?!

"Isay..."

Para akong naestatwa nalang sa kinatatayuan ko. I can't move a single muscle. Nagsisimula na akong manginig at gustong gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa.

"I will explain!" May takot at pagaalala sa tono ng boses nya. Hinagit nya ang braso ko pero agad ko naman iyong inalis.

"No need, Zancho."

At last i started running. Kahit rinig na rinig ko ang pagsigaw ni Zancho sa pangalan ko ay di ako tumitigil at di rin sya nililingon. All i wanna do is run! Gusto kong lumayo sakanya. Yung malayong malayo!

"Oh! Ayos ka lang friend?" Tanong ni Lulu ng makabalik ako sa tambayan na hinang hina at di na mapigilan na maiyak.

"Isay! What happen?" Alalang tanong ni Keeno pero ni isa sakanila ay di ko sinasagot.

Agad nila akong pinalibutan nang makaupo na ko. Kinulong nalang ng kamay ko ang mukha ko dahil hindi ko na mapigilang humagulgol.

Of all people! I trusted Zancho! I gave him all of me! Alam na alam nya kung anong pinagdaanan ko, kung anong naging problema ko noon kahit hanggang ngayon. Alam nya kung gaanong sakit ang hanggang ngayon ay dala-dala ko! Kaya bakit? Anong ginawa ko para saktan nya ko ng ganito?

At sa dinami-dami ng babae, bakit si Des pa? Bakit yun pang taong hindi ko lang tinuring na kaibigan kundi parang kapatid ko na rin? Ano ba talagang ginawa ko sakanila para gawin nila to sakin?

Am i being punished? For what? Dammit i'm going crazy!

"Isay! Please! Let me explain! It's not what you think!"

Humihikbi akong lumingon kay Zancho. Mata sa mata ko syang tinitigan ng matalim at basang basa ko sa mga mata nya ang takot.

"To see is to believe, Zancho! Alam mo ba yun? Anong ieexplain mo? Na nagsisinungaling yung mata ko?"

"That girl-- Si Des-- Please pagusapan muna natin to!"

"You know what i'm going through right now. You promise na hindi mo ko sasaktan! Na hindi mo ko paiiyakin at hindi mo ko iiwan! You promised Zancho! F*cking sh*t! I believed you!"

Sinusubukan nya kong hawakan pero agad kong tinatabig ang kamay nya. Ewan ko pero parang nandidiri ako sakanya! Ang pinaka ayoko sa lahat ay yung manloloko. Namamako ng pangako at walang isang salita.

"Isay--"

"Anong ginawa ko sayo ha? Anong maling ginawa ko sainyong dalawa? Bakit nyo ba to ginagawa sakin?" I paused ng hindi ko na talaga makontrol ang paghagulgol ko.

"Nagsawa ka na ba? Huh? Gusto mo na ng bago? Sh*t Zancho! Kung yun lang pala ang gusto mo sana sinabi mo nalang! Pakakawalan naman kita kung nasasakal ka na eh! Kung hindi mo na ko mahal, hindi narin kita mamahalin! Sana sinabi mo nalang kaysa ganito!" I kept on pausing dahil kinukulangan ako ng hininga.

"Alam na alam mo naman kung anong nangyayari sakin ngayon bakit dumagdag ka pa? Alam mong kailangan ko ng kakapitan ngayon kasi konti nalang, bibigay na talaga ko!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sampalin sya at hampasin. Hindi sya gumagalaw at hinahayaan lang ako. Kusa narin bumigay ang mga kamay ko dahil nawawalan na ko ng lakas.

"Ang sama sama mo! Laruan ba ko? Huh? Laro lang ba lahat yun? Naggagaguhan lang ba tayo? Sh*t you're so good at this! Napaniwala mo talaga ko! Ang sama mo! Go to hell! Wala kang kasing sama!"

I bow my head while still sobbing. Ngayon nalang ako ulit umiyak ng ganito. Ramdam na ramdam ko yung sakit na parang hindi na normal na pakiramdam. Parang hindi totoo pero nararamdaman ko talaga.

Lahat ng mga kaibigan namin ay di umaalis pero hindi rin kami pinapakialaman. Kahit alam kong gusto na nilang makisali ay binibigyan parin nila kami ng space. Pero hindi ko na kaya na walang kapitan. I badly want to get out of this place.

Tumayo ako at susubukan na sanang maglakad palayo pero talagang nanghihina ang mga binti ko. I reach for the nearest person's hand dahil kailangan ko ng alalay. Agad rin naman akong kinapitan ng mahigpit ni Siemon. Gusto ko nalang umalis pero hindi ko parin mapigilang umiyak at humagulgol.

"Shhh.. Tahan na Isay. Halika na ihahatid na kita pauwi." Ayon ni Siemon.

"Isay--"

"Pare wag muna. Hindi kayo makakapagusap ng maayos ngayon." Rinig kong paningit ni Cairo.

Kinuha ni Siemon ang mga gamit ko habang di ko naman inaalis ang pagkapit sa isa nyang braso. Aalis na kami pero gusto ko parin makita ang mukha ng lalaking pinagkatiwalaan ko pero ginago lang ako.

"Incase it's not yet clear. We're through, Zancho"

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon