Nilabas ko muna ang notebook ko para magbasa ng notes sa Science. Hindi kasi kami pupunta sa laboratory dahil magkakaroon raw kami ng quiz. 

"'Nes."

"Hmm?" hindi ko nilingon si Hazel dahil busy ako sa pagbabasa ng mga notes. 

Kinukulit niya ako sa pamamagitan ng ilang ulit na pag-kalabit sa 'kin. I gave up, tuluyan ko na siyang nilingon.

"What is it, Hazel?"

May tinuturo siya sa likod ko pero hindi ko maintindihan kung bakit o ano ang tinuturo niya sa likod ko.

"Kanina ka pa niya tinitigan, oh."

"H--Huh?" sinundan ko ang tingin ni Hazel at halos hindi ako makahinga nang mahuli kong nakatitig sa 'kin si Caleb.

Ni-hindi man niya iniwas ang titig niya sa 'kin pero nang magtama ang tingin namin, doon nanlaki ang kaniyang mga mata at napaiwas na ng tingin. Inayos niya ang headset na nakasabit sa leeg niya at napahalukipkip na lamang.

Napabuntong hininga ako at napahawak sa aking dibdib. Puso, nakatitig lang sa 'yo si Caleb pero ganiyan ka na. Para ka ng tumatambling at kulang nalang ay lalabas ka mula sa rib cage.

"Banyo lang muna ako, Hazel."

Tumayo ako at dali-daling lumabas ng classroom. Nang makapasok na ako sa banyo, tinitigan ko ng maigi ang mukha ko. Tsaka ako napapikit at napagdesisyunan na maghilamos muna.

Hinayaan ko ang tubig na patuloy na umaagos. Basang-basa na ang mukha ko pero muli akong naghilamos para mas lalo akong magising.

Natigilan ako sa paghihilamos nang makarinig ako ng kalabog mula sa isa sa mga cubicle sa banyo. Pinatay ko na yung gripo at kumuha ng tissue upang punasan ang basang mukha ko.

May kasama pala ako dito.

Tatalikod na sana ako mula sa salamin nang makita kong unti-unting bumubukas ang pinakahuling cubicle. Kumunot ang noo ko. Mas lalo kong tinitigan ang cubicle na 'yon at halos tumigil ang hininga ko nang mapagtantong walang lumalabas doon.

S--SHIT!

Kahit labag man sa kalooban ko at naging 'tila hinahabol ako sa bilis ng tibok ng puso ko, nilingon ko ang pinakahuling cubicle. Tanging ang hininga at ang bawat tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Tahimik ang paligid, 'tila nasa isang horror house ako mag-isa.

Tagaktak na ang pawis sa noo ko at naninindig na ang balahibo sa batok ko.

"W--What the," napaatras ako't napahawak sa lababo.

May nakita akong nakatayo near the door, itim na itim 'gaya ng nakita ko noon na nakatayo sa tapat ng kwarto ko. Nakatalikod ito mula sa 'kin. Tiningnan ko ulit ang salamin at nakitang walang itim na pigura doon pero nang ibalik ko ang tingin sa cubicle, nandoon siya.

"A? T--Tulong," then he disappeared nang may pumasok sa banyo na dalawang babae.

Napaupo ako sa tiles at habol-habol ang hininga ko. Pinahid ko din ang pawis na namumuo sa noo ko at halos maiyak na sa takot.

"Oh my, ayos ka lang?" 

Lumuhod ang isang babae na nakauniporme at kitang-kita ang pagaalala niya sa 'kin.

Umiling-iling ako't tumayo, nagtatakbo palabas ng banyo.

* * *

They say; if you can't wake up from the nightmare, maybe you're not asleep.

And all of these are my nightmares. And I'm not freaking asleep. Paano ko ba 'to itigil? Paano ba ako gigising na hindi nananaginip ng masama?

If these were all a dream, I need to wake up. Pero hindi, eh. Mas mataas pa sa hundred percent na gising ako. Gising na gising at nasa reyalidad ako. All I need is to complete the puzzle pieces that I've been working on.

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now