Chubby Ako - Entry #47

3.4K 105 48
                                    

A/N: It's been three months since my last update. Apologies for not updating. Thank you sa lahat ng naghintay. :>

ENTRY #47


xxx-xxx-xxx

Janella's POV

**

"Pair number two, Mr. & Ms. Salvador, get ready." sabi nung isa sa mga judges.

Phew. Mas lalo akong kinabahan!! Tinignan ko si Kim at gaya ng mock defense, chill lang siya. Paano niya nagagawa yun?!

Napansin niyang nakatingin na ako sa kanya kaya napatingin din siya sa akin. He gave me this puzzled face tapos ngumiti siya bigla.

"Hoy Jan, wag kang hihimatayin mamaya ah?!" pang-aasar niya sa akin. Ugh!

"Shungi! Baka nga ikaw ang himatayin dyan eh!" sagot ko sa kanya tsaka hinampas siya ng folder na hawak ko.

"Eh, okay lang kung himatayin ako. Basta ba sayo ang bagsak ko, bakit hindi diba?" sabi niya sabay kindat.

>/////<

"C-corny mo ah!"

"Mahal mo naman." kampanteng-kampanteng sagot niya tsaka siya nagcrossed arms.

"C-che!" inalis ko na lang yung tingin ko sa kanya tsaka nagfocus dun sa mga kaklase naming patapos na magdefend.

Pero hindi ko naman naiwasan na marinig yung impit na tawa niya. Sabi niya pa nga, "1-0".

Hah! Ganun pala ah! Tignan natin mamaya. *evil grin*

Not long enough, tinawag na rin kami. At iniwan ko 'tong mokong na 'to. Nauna akong pumunta sa harap ng mga (teacher) judges para maghanda sa presentation.

Nakita ko sa peripheral vision ko na lumapit na rin siya habang nakangiti at umiiling.

Then we started the defense.

Nakakainis nga eh! Kasi yung mga binabatong questions sa amin, halos sinalo niya na lahat. Paano naman ako diba?! Baka mamaya magsabi 'to na unfair kasi siya yung sumagot sa majority ng questions. -_________-

Pagkatapos namin, inayos ko na yung mga gamit, nagthank you sa teachers tsaka naupo na para bigyan ng way yung susunod na magdedefend.

Hawak-hawak ko yung proposal namin na may rating na habang naglalakad ako papunta sa upuan ko.

"Grabe, B- lang yung rating natin?! Dapat ginawa na nilang B+ man lang! Magaling naman yung presentation natin ah!" reklamo ko. Totoo naman eh! Maganda naman yung discussion tapos B- lang? T.T

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now