Chubby Ako - Entry #15 (Part 2)

21.6K 143 67
                                    

ENTRY #15


Short update kasi part 2 lang. Mwahaha. >:DD Dedicated this to @DaNICkAutomatic :) Enjoy reading!


xxx-xxx-xxx-xxx


Kim's POV



Kahit nagsabi ako kay Janella na hindi ako pupunta sa birthday ni Drew, pumunta pa rin ako. Haaay. Sobra kasing lakas ng kutob ko na may gagawing masama si Drew eh. Actually nauna pa nga akong pumunta dun kesa kay Janella. Hinintay ko siya hanggang dumating siya.. kasama si Luke.

Hinding-hindi ko maikakaila na ang ganda ni Janella ngayon. SAYANG. Ako sana yung umaalalay sakanya ngayon at hindi si Luke. Tsk. Hayaan niyo na.

Sinundan ko lang siya ng mga mata ko. Kung paano ako nakapasok dito? Simple lang, para saan pa ang maskara diba? Hindi nila ako nakilala, pati si Drew.

Nakita kong lumapit si Janella kay Drew pero mas nainis ako nung nakita ko si Luke na may kausap sa cellphone niya tapos bigla na lang umalis na wala man lang na pasabi kay Janella. Tsk. =___=

Binati ni Janella si Drew na halatang gulat ng gulat nung makita niya si Janella. HAH! Palibhasa nasapawan ni Janella ang ganda mo Drew! Teka.. hindi ka naman pala maganda kaya ayos lang. =___=

Natiwasay yung pakiramdam ko nang wala namang ginawang masama si Drew kay Janella. Kaso nakita ko na nung makalayo na si Janella, may kinausap si Drew na dalawang babaeng katropa niya ata. Sakto naman na kumukuha ng pagkain si Janella nang lapitan siya nung dalawang babae at muntanga.. sinadya nilang tapunan si Janella ng pagkain eh!

Pinigilan ko ang sarili kong lapitan si Janella at bugbugin yung mga gumawa sakanya nun kasi ang plano ko, bantayan lang si Janella at 'wag magpakita sakanya. Alam kong kaya ni Janella ang dalawang yun kaya hindi muna ako lumapit. Nakita kong ngumiti siya tapos pinunasan niya na lang ng tissue yung suot niya. Naglakad siya sa gilid ng pool habang pinupunasan yung damit niya kaya hindi niya napansin yung babaeng sinadyang tabigin siya kaya nahulog siya sa pool. Puuuuusht. Sobra na yan ah! =____=

Whew. Gustong-gustong-gusto ko nang tumakbo dun para tulungan si Janella pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong gumawa ng eksena. Hinintay kong may tumulong sakanya pero ampushik, WALANG TUMULONG! =_____= Umiinit na ang dugo ko dito. 

Mag-isang umahon si Janella mula sa pool at lakad-takbong lumabas ng bahay nila Drew. Hindi na ako makatiis. Sinundan ko na siya.

Nakita ko siyang umiiyak kaya nilapitan ko siya at ipinatong ko ang coat ko sakanya. "Sabi ko namang 'wag ka na lang pumunta dito diba? Ayan tuloy.."

 "K-kim? *sobs* Bakit ka--"

 "Shhh. Diba nangako ako sayo na nandito lang ako kung kailangan mo ako? Wag ka nang umiyak okay? Tahan na.. andito na ako.." binigyan ko siya ng assuring look na hindi ko siya iiwan kaya tumahan na rin siya at niyakap niya ako.

Woah. Hindi ako makagalaw. The S. O///O?

"Kim.. naiinis ako sa sarili ko. Hinayaan ko na naman na manalo ang emosyon ko.. Tingnan mo tuloy.. Ugh! Dyahe naman! Umiyak pa tuloy ako.. at nakita mo pa! Nasaan ba kasi si.. Haaay.." naramdaman kong huminga siya ng malalim tapos inalis niya rin yung yakap niya.

Chubby Ako. (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon