Chubby Ako - Entry #33

16.4K 114 46
                                    

ENTRY #33

xxx-xxx-xxx

Janella's POV

"Finished! Whew!" ibinaba ko yung ballpen ko tsaka huminga ng malaim at pumikit sandali. Natapos ko rin yung last subject-- Advanced Chemistry.

Third periodic exam kasi namin ngayon eh. Ang bilis nga ng oras. Konting kembot na lang at Christmas na naman. Mukhang mapapaaga nga ang Christmas vacation namin eh. Kasi yung mga kaklase ko, ewan ko lang kung anong trip nila pero pinili nila na huwag nang magkaroon ng Christmas party para mas maaga ang bakasyon. Tch.

Ni-relax ko muna ang sarili ko. Ang hirap kaya ng test sa Advanced Chemistry!! Chemical equations, graphs, balancing equations, lahat-lahat ng mga pahirap sa buhay! @___@

(Short) Flashback

"Pero magiging masaya na lang siguro ako. Wala eh.. frienzoned."

In-absorb ko muna yung sinabi ni Kim bago ako ulit magsalita. "Friendzoned? Kanino?" ngumiti ako pero agad din namang nawala ang ngiting yun. ".. kay Gabby."

Tumingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin, biglang-bigla siya sa sinabi ko. Well, binawi ko na lang yun ng isang ngiti. "Sige Kimpot, pasok na ako ah? Baka hinahanap na ako ni Mama eh."

Tumakbo na ako papasok ng bahay at umakyat sa kwarto ko. Aaah ano ba 'to! Bakit ako affected?! Hindi pwede! Hinding-hindi!

**end

"UGH! Hindi pwede!"

"Hindi pwede ang alin?"

Ay dyahe! >___< Nagising lang ako sa pagd'daydream ko nang makita ko na nasa harapan ko na pala si Luke. Tumingin ako sa paligid ko at pansin ko na wala na yung mga kaklase ko. Tumingin ako sa armrest ko at nakita ko na wala na yung test paper at answer sheet ko.

"Anong nangyari? *kamot-kamot*" parang shunga lang ako nang itinanong ko yan kay Luke. 

"Nakatulog ka.." ngumiti siya sa akin. "Hinihintay sana kita sa gate kaso nang napansin ko na late na, pinuntahan kita dito."

Tumango-tango ako sa kanya tsaka inayos yung mga gamit ko. Sabay na kaming lumabas ng campus. Akalain mong nakatulog na pala ako? >___<

"Ano pala yung sinasabi mong hindi pwede kanina?" tanong sa akin ni Luke habang naglalakad kami pauwi. Ihahatid niya ako sa amin, as usual.

"A-ah! W-wala! Binabangungot lang siguro ako o ano. He-he-he." binigyan ko siya ng pekeng ngiti. Please work.. please work..

Tumango siya. Yes! ^___^ "Siguro nga nananaginip ka lang. Kamusta na pala kayo ni Kim?" tumingin ako sa kanya. "Ibig kong sabihin eh.. okay na ba kayo?"

"Yup!" nagthumbs up ako sa kanya. "Kelan  nga pala yung sunod na game niyo?"

"Ahh.. matagal-tagal pa. Halos magDedecember na kasi kaya na-move yung sunod na laban. Siguro sa March? Gusto nilang i-una yung Prom eh.." 

"Ahhh.." tumango na lang ako sa kanya. Malapit na pala ang Prom? Well, wala naman akong care as Prom. keber lang! ^____^

Nung makarating na kami sa tapat ng gate ng bahay ko, nagbabye na ako sa kanya. Tumango siya pero nang bubuksan ko na yung gate eh hinawakan niya yung kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Janella, mahal mo ako diba?" seryosong-seryosong tanong niya. Woah. Kinabahan tuloy ako at di ko alam kung bakit.

"B-bakit mo naman natanong Luke?"

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now