Chubby Ako - Entry #13

23.6K 164 66
                                    

ENTRY #13

A/N:

Kakaupdate pa lang pero eto na. Haha. So ang entries 13 and 14 po ay about kay Luke and Kim. Sa Entry 15 yung kay Drew. Haha. Eto na muna since inaayos ko pa yung utak ko sa mga pwedeng mangyari sa Entry #15. Dedicated this to @allensheyne :)

xxx-xxx-xxx-xxx

Kim's POV

Uhh. Honestly hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang kwento ko. Nandito nga pala ako ngayon sa isang coffee shop; Oo, nagkakape ako. Wala naman sigurong problema dun diba?

Alam kong alam niyo na ang kwento ko. Biro lang. Sigurado akong hindi niyo pa alam. Nabanggit sa akin ni Jan yung sinabi sakanya ni Drew. Sana naman hindi siya naniwala dun diba? Sana hindi siya nagtiwala kay Drew. Sana hindi na lang sila naging magkaibigan. Kasi kilala ko yang si Drew Ramirez.

Ex-girlfriend ko siya? Hindi 'no. Hindi ko nga yan naging girlfriend eh. Matino akong lalaki. Alam ko kung dapat seryosohin ang isang relasyon o hindi. Yung sa amin dati ni Drew? Walang seryosohan yun. Ginamit niya lang ako, para sa popularity niya. -_____- Ang landi ng babaeng yan. Gawin ba naman akong  alalay? Credit card? -_____-

Siguro eh naiintindihan naman ninyo ako diba? Sino ba naman ang hindi sasama ang loob kung kapag nagdedate kayo eh sa akin pinapadala lahat ng mga gamit niya. Palibre pa ng palibre. Ano ba naman yun. Hindi naman ako banko, nauubusan din ako ng pera. Hindi naman sa sinasabi kong kanya-kanyang bayad sa tuwing lumalabas kami kaso lang.. wag naman sana masyadong abusuhin yung panlilibre diba?

Naalala ko nung natanong sa akin ni Jan kung bakit ako lumuha nun. Yung time na maglulunch kaming dalawa. Totoong break na kami ni Drew. Teka, naging kami ba? -_______- Ewan. Pero hindi ako naluha dahil dun. May ibang dahilan.

Pasensya na Janella, pero hindi ko pa talaga pwede ikuwento sayo ang lahat eh. Hindi ko rin kasi alam kung anong kalalabasan. Mas okay na ako sa gantong setup. Bestfriend kita at bestfriend mo rin ako.

Ang swerte ko talaga nung nakilala ko si Janella. Nung una ko siyang makita, seryoso, natawa ako sakanya. Hindi niya kasi tinitignan na may upuan na pala sa harap niya tapos tuloy-tuloy pa siyang naglakad, ayun, natapilok tuloy at lahat-lahat na. Hahaha. Pero yun ang nakakuha ng attention ko. Gusto ko siyang mas makilala. 

Alam niyo kung bakit? Na-curious lang ako, bakit sa lahat ng tao, siya pa yung pinapadala ng props? Nung tinarayan siya ni Drew at sinabihan ng 'baboy', narinig ko yun. Bakit, hindi naman siya ganoon kataba ah? Maganda si Janella. Magandang-maganda. Kung nakilala lang talaga nila siya ng mabuti, magbabago ang impressions nila.

Natuwa ako nung naging magkaibigan kami. Pero nalungkot din nung una. Sa tuwing magkasama kami, palagi na lang si Luke ang bukambibig niya. Hindi niya man lang ba napansin na nalulungkot ako everytime na sinasabi niya kung gaano niya kagusto si Luke? Nakakalungkot lang kasi kapag kausap mo ang isang tao tapos yung taong gusto niya ang pinag-uusapan. Parang hindi ako nag-eexist eh. Pero sabagay.. ang galing ko nga pala magpanggap.

Sinadya ko yun. Sinabi ko pa nga sakanya yung mga ugali ni Luke. Kasi akala ko.. hanggang dun lang. Akala ko, hindi naman sila magiging friends o kung ano pa man. Pero anak ng tokwa naman tadhana oh! Naging magkaibigan! May tawagan pa nga sila eh.. BBF ba yun? Tsk. Kung ano man yun, ang baduy. -_____-

Oo. Nagseselos ako. Halata naman diba?

Hindi naman ako perpekto, hindi ako ideal, marami din akong flaws. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit prince charming ang tingin ng iba sa akin. Para sa akin nga, ako pa yung bad guy. Pero lahat naman ng tao may happy ending diba? Kahit yung mga bad guys may karapatan ding magkaroon ng happy ending kasi hindi porket masama ka, wala ka nang karapatang maging masaya at hindi rin porket mabuti ka, hindi ka na pwedeng masaktan.

Oo, inaamin ko, possessive ako. Gusto ko na kapag may ka-close akong tao, lalo na kapag bestfriend ko, gusto ko ako lang. Kaya nga hindi na kami masyadong close ni Luke diba? Tatlo kasi kaming magbebestfriends noon, ako, si Luke, at si.. basta babae. Ayoko na kasi siyang alalahanin kaso naalala ko na naman.

Noong mga bata pa lang kami, elementary siguro, nainis ako nun kasi si Luke na lang tapos siya ang parating magkalaro. Paano naman ako? Sila na lang yung palaging nag-uusap. Eh mas nauna kong naging bestfriend si.. basta. Kaya ayun, inaway ko si Luke, sinabi ko na sa akin lang yung girl bestfriend kong yun. Nagalit din sa akin si Luke, ang selfish ko raw. 

Ano namang magagawa ko? Takot akong maiwan. Takot akong mag-isa. Takot ako na baka yung taong pinagkakatiwalaan ko, iiwan din naman pala ako.

Oo, iniwan ako ng girl bestfriend ko. Naiinis na raw siya sa akin. Bakit daw ako ganito? Hindi niya na raw maintindihan kung anong gusto kong mangyari. Masyado raw akong possessive, hindi ko naman daw siya pag-aari. Shet lang. Ang sakit sa pakiramdam kahit totoy pa lang ako ng mga panahong yun.

Gaya ng sitwasyon namin ngayon ni Janella. Eto na naman ako.. si Luke na naman yung kahati ko. Bakit parati na lang? Pero nangako ako sa sarili ko na mag-iingat na ako. Hindi ko ipoprovoke si Janella. Hindi ko hahayaan na mawala na naman sa akin ang bestfriend ko. Ayos lang na magkatuluyan sila ni Luke, basta hindi siya mawala sa akin. 

Nakng. Ang hirap naman gawin nung mga sinabi ko. Ayos lang na magkatuluyan sila? Suntok yun para sa akin. Bakit pa kasi ako nagkagusto kay Janella? Sana pala hindi na lang 'no? Para hindi ganun kahirap. Ang sakit lang kasi sa pakiramdam na mukhang magkakatuluyan nga yung dalawa. Lalo pa't sinabi sa akin ni Janella na liigawan siya ni Luke. Ampushik lang diba? :|

Pero napag-usapan na namin ni Luke ang tungkol sa bagay na yan. At kailangan kong pangatawanan yung sinabi ko sakanya. Ano na ngayon? It's either aalisin ko na 'tong 'like' feeling ko kay Janella o ipagpapatuloy ko pa rin, patago nga lang. Sinabi ko kay Janella na gusto ko siya. Pero parang hindi naman siya naniwala eh. Isa pa, nasabi ko yun nung galit ako sakanya kahit hindi naman talaga ako galit, nagseselos lang. Tignan niyo naman kasi sa logic, gusto ko si Janella, gusto ni Janella si Luke, at sinong gusto ni Luke? Si Janella. Boom. Yun na oh. Sila na. -_______-

Ano, ipagpapatuloy ko pa ba? HAAAAYYY. Kim Stefano! Ang bata-bata mo pa pero ganyan na ang mga iniisip mo! Pasensya na ah? Mukhang inlove eh! 

At isa pa ang kapeng 'to, mas lalo akong nininerbyos eh! Anak ng! -________-

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now