Chubby Ako - Entry #32

16.9K 124 79
                                    

ENTRY #32

xxx-xxx-xxx

 

Janella's POV

 

 

Kanina ko pa hawak-hawak 'tong cellphone ko. Anong oras na ba? Hmm, mag-a-alas-kwatro na ng madaling araw. Haaaay. Bakit ba ako kinakabahan ngayon? Kahapon pa 'to eh.

Kasalanan ko ba? Kanina kasi iniisip ko, si Josh ang may kasalanan eh. =____= Hindi, biro lang. Siguro kasalanan ko nga, kasi nakalimutan ko yung usapan namin. Pero nakalimutan naman eh, hindi naman KINALIMUTAN.

Naisip ko nga rin kanina, bakit kaya hindi nasabi sa akin ni Luke na birthday ng bestfriend niya?

Siguro kasi nakalimutan niya rin? Pero honest mistakes naman yung amin eh. Hindi ko naman talaga alam na birthday ni Kim kahapon. At nagsisisi ako na hindi ko alam yun. Kainis naman eh! Bestfriend mo yun Janella! Ugh!

Tumatakbo ang oras at nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko habang iniisip kung paano ako mags'sorry kay Kimpot. 

**

"What is it Janells?" tumabi sa akin si Luke. Nandito kaming dalawa ngayon sa Gym. Sinamahan ko lang si Luke. May practice kasi sila eh. Dala-dala ko pa nga yung mga reviewers ko. Malapit na kasi ang Periodic Exams.

Kanina ko pa binabasa 'tong Calc. notebook ko pero walang pumapasok sa utak ko. Ewan ko ba. Wala siguro ako sa mood.

Tumingin ako kay Luke kasi mukhang may tinanong ata siya sa akin eh.

"Ano yun Luke?" umiling-uling siya sa akin nun. Hinawakan niya pa nga yung noo ko para tignan kung may lagnat ako o wals. "Wala akong lagnat.." napa-haaay ako nun tsaka napayuko.

"Eh anong problema?" tumingin ako sa kanya nun tsaka tinago muna yung mga notebooks ko.

"Alam mo bang birthday ni Kim nung Sabado?" sabi ko kay Luke habang nakatingin sa court.

"Oo, alam ko." napatingin ako sa kanya nung sinabi niya yun. Alam niya pala? Bakit hindi man lang niya na-mention o ano.

"Bakit 'di mo man lang sinabi sa akin?"

"Wala.." yumuko siya. "Alam ko kasi na kapag sinabi ko, pupuntahan mo siya.." tumingin siya sa akin tsaka tumingin na rin sa mga lalaking kasali sa team na nagp'practice din. "Kasama kita nung araw na yun eh, ayoko namang-- aish. Sorry.. kasalanan ko eh.." medyo ngumiti siya sa akin tsaka ginulo niya yung buhok niya.

"Kainis ka naman Luke eh!!" sinuntok ko ng mahina lang yung braso niya. "Galit tuloy sa akin si Kim kasi hindi ko siya napuntahan nun." yumuko na lang ulit ako. Kasalanan ko naman eh.

"Sorry. Sige na, kausapin mo na siya.." inayos ni Luke yung bag ko tsaka inabot sa akin.

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now