Chubby Ako - Entry #4

29K 199 48
                                    

ENTRY #4

Ang daming nangyari last weekend. Yung pagiging propsman ko. Yung pagtataray sa akin ni Drew. Yung performance nila. Yung kay Luke. :) At syempre.. yung nakilala ko si Kim.

Ang astig lang eh. Last week ko pa lang nakilala si Kim, pero parang ang gaan na ng loob ko sakanya. Alam niyo yun? Parang bestfriend ko na nga siya eh. Isa pa.. ang swerte ko at nakilala ko siya. Alam niyo kung bakit? Kasi.. *ahem-ahem* 

.. bestfriend niya si Luke, first love ko.

Kaya kung may Kim, meron ding Luke. Waaaaa! Ang swerte talaga ng mga fats koooo! ^___^v

Palagi kong kasama si Kim. ^__^ Kasi nga break na sila ni Drew (Mwahaha. *insert evil laugh here*) Tinutulungan ko nga siyang 'wag na masyadong isipin ang break up nila ni Drew eh. Kaya kapag pupunta kami sa canteen, tapos andun yung mga popular kids, hinihila ko siya sa kiosk. Tapos dun na lang kami nag-uusap. 

Mahirap, pero, kakayanin naman ng mga fats ko. d^___^b

Nagtanong ako kay Kim ng tungkol kay Luke. Ang dami ko ngang nalaman eh.. Yung paborito niyang pagkain, yung paborito niyang sport, yung personal information niya. Pati nga size ng brief niya alam ko eh. HAHAHAHA. ^___^v

"Ahmm Kim.. pwede favor?"

"Hmm? Ano yun?"

"Tulungan mo naman ako oh..

..magpapayat."

sumeryoso yung mukha ni Kim Stefano Salvador. "Bakit? Para saan naman?"

"Syempre, kailangan yun. Para naman mapansin ako ng bestfriend mo. Diba diba diba?"

"Hayss. Diba sabi ko sayo na balewala ang panlabas? Yung panloob ang mahalaga diba?"

"Ehh kahit na.. kahit papano kelangan na kapag magkita kami, maayos akong tignan. SIGE NA KIIIIMMMMM! Dali na pleeaaaassseee! *insert puppy eyes, kitten eyes, lahat nang eyes here*"

"Haayy.. ano pa nga bang magagawa ko?"

"WAAAA! Salamat salamat salamat!!" tumalon-talon ako sa harap niya.

Pero.. napansin kong nalungkot siya ng konti.. "Uy, okay ka lang?"

"H-hah?" umiling-iling siya tapos ngumiti ulit. Pogi. :D "Oo naman! Ang saya ko nga eh!"

"Salamat talaga ah? Ang bait mo talaga Mr. Salvador!"

"Walang problema Ms. Salvador. :)"

Ano.. gusto ko sana siyang yakapin kaso.. baka pag niyakap ko siya, durog mga buto niya. Kawawa naman. Kaya wag na lang.

---

Nung gabi na, nagvideo chat kami ni Kim. Oha! May paganyan-ganyan na kami ngayon! /winks. Nililista ko yung 5 steps to success. Limang steps para sa pagpapayat ko. Determinado ako 'no!

Step #1: Magjogging araw-araw. Take note: ARAW-ARAW.

Step #2: Bawal ang matakaw. Isang cup na lang ng rice each day!

Step #3: Huwag magpapadala sa mga temptation! 

Step #4: Less sweets. More sweat!

Step #5: Ulitin lahat ng steps!

"Oh ayan Kim! Natapos ko na yung limang steps!" pinakita ko pa sakanya yung papel na hawak ko as if mababasa niya kung anong nakasulat doon. "Kelan tayo magsisimula?"

"Kung gusto mo nga ngayon na eh?" nakita kong umalis siya sa pagkakaupo niya sa swivel chair at parang may kinuha siyang jacket. Bumalik siya sa harap ng screen at nakajacket na siya. "Oh ano? Sunduin na kita dyan?"

"Para kang sira! Gabing-gabi na kaya! Bukas na lang! Gisingin mo ako ng boses mo bukas ah?" bumehlat siya sa akin tsaka hinubad niya yung jacket niya.

After ng pag-uusap na 'yon, natulog na rin kami pareho. Good luck Janella! FIGHTING!

-----

"HOOOY JANELLA! GUMISING KA NA OY! AKALA KO BA GUSTO MO PUMAYAT? GISING NA!" inilayo ko yung cellphone ko sa tenga ko. Ang lakas makasigaw netong kausap ko eh! Meh problema ata sa akin!

Tinignan ko yung orasan at Jusmiyo! "Jusko naman Kim! Alas singko pa lang ng madaling araw oh tapos ginigising mo na ako?! Aba hindi naman ata makatarungan iyon!"

"Isang oras tayong magjojogging! Bangon na! O baka gusto mong palabasin kita dyan sa bahay niyo ng hindi ka dumadaan sa pintuan?!"

"At paano mo gagawin yun aber?! Hindi ako kasya sa bintana!" bumehlat ako sakanya, para namang makikita niya yun. "O sige na! Babangon na! Nakuuu!"

Inend niya na yung call. Bumangon na rin ako tsaka naghilamos at nagsipilyo. Nagpalit na ako ng damit na pagjogging at nagjogging na kami ni Kim. Huwaaaaw. Naka-earphones pa ang mokong! Mukhang mas pursigido kesa sa akin eh!

Nagsimula na kaming magjogging at seryoso, nung una halos naubusan na ng dugo na ipupump yung puso ko. Nakakapagod pala lalo pa't hindi ka sanay! Pero fighting pa rin! Tumingin ako kay Kim na seryosong-seryoso sa pagjajogging niya. Ngumiti na lang ako tsaka umiling. Ang swerte ko naman at nakakilala ako ng ganto. Siguro kung nauna lang siya kay Luke.. Siguro lang naman..

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now