Chubby Ako - Entry #28

18.2K 103 43
                                    



ENTRY #28

 

xxx-xxx-xxx

Janella's POV

 

“Magkakilala na pala kayo hija?”

“A-ah.. opo. Kaklase ko po kasi siya..” sagot ko sa mama ni Kim. Naupo kaming lahat sa sofa. Magkatabi yung mama ko tsaka mama ni Kim at magkatabi rin kami ni Kim.

Hinintay ko munang maging busy yung dalawa sa pag-uusap bago ko kinausap si Kim. Ang taong ‘to, mukhang may hindi sinasabi sa akin eh. Nung mapansin ko na hindi na rin aware yung dalawa sa presence namin ni Kim, hinila ko siya paakyat sa terrace namin sa taas, katabi ng kwarto ko.

“Hoy Kim.” Sabi ko sakanya tsaka tinuro siya gamit yung hintuturo ko.

“Heeep! Wala akong alam!” itinaas niya naman yung dalawang kamay niya, sign na nabigla din siya sa mga nangyari.

“WEH? Ikaw Kim ah! Bakit hindi mo man lang ako tinext na pupunta ka pala dito?” naupo na ako sa railings. Gabi na rin eh. Ang ganda ng langit.

Umupo rin siya sa tabi ko bago niya sinagot yung tanong ko, “Paano naman kita matetext eh hindi ko naman alam na pupunta pala kami dito? Ang sabi lang sakin ni Mommy, pupuntahan daw namin yung kaibigan niyang businesswoman din. Malay ko bang kayo yun.”

Hindi na ako sumagot nun. Hindi naman sa wala na akong maisagot, wala lang.. gusto ko lang manahimik muna. Tumingala ako para makita ko yung mga stars sa langit. Ang dami nga eh! Tinuro-turo ko yung mga stars para makabuo ng constellation, “Ang astig ‘no, Kim?”

Naramdaman kong tumingin siya sa akin. Pero nakatingin lang ako sa langit. “Oo nga eh.. matagal na pala tayong connected sa isa’t-isa, tapos ngayon lang natin nalaman..” tumawa siya ng konti.

“Sabi ko naman sa’yo eh! Destined tayong magkakilala!”

Tumingin siya sakin tsaka umiling habang nakangiti, “Hindi pa rin ako naniniwala sa destiny..”

Tinignan ko siya ng masama tsaka binehlatan siya. Edi wag siyang maniwala. Hmmp. Wala na namang nagsalita pagkatapos nun.. One, two, three minutes of complete awkward silence.

“Ang ganda ng stars ‘no? Ikaw Jan..” tumingin ako sa kanya. “..kung may iwi-wish ka ngayon, ano naman yun?”

“Ako?” ngumiti ako tsaka tumingin ulit sa langit. “Simple lang, sana may taong magmamahal sa akin na walang pakialam kung ano man itsura ko or pananamit ko. Yung mahal ako, bilang ako. At wala ng iba pa.”

Tumingin ako sakanya tapos nakita ko na nakatitig siya sa akin, “Hindi mo na naman kelangan pang hilingin yan eh.. Matagal nang natupad yan.” Nakatitig pa rin siya sa’kin tapos bigla siyang ngumiti. Kinurot ko nga yung pisngi. Ang dami na namang alam eh!

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now