Chubby Ako - Entry #34

16K 118 65
                                    

A/N: Tapos ko na po ang plot ng CA (halatang di prepared e xD) Mag-uupdate ako every after three days. Sisipagan ko talaga promise. :) Maraming salamat po pala kasi 200k reads na ito. Anyways, this is a special chapter -- walang kaugnayan sa ibang characters, kay Janella lang. Pero keber naman eh. Promise. Dedicated (not literally) to one of my wattpad friends. Itago na lang natin sa pangalang Erica. :) Isang malutong na shoutout rin pala kay Bheng!! :)

ENTRY #34

 

xxx-xxx-xxx

 

Janella's POV

 

Binaba lang ako ni Ate sa tapat ng bahay namin tsaka umalis na rin siya kaagad. Malapit na rin kasi gumabi eh medyo malayo pa yung lalakbayin ng babaeng yun. Nakakatamad nga eh, kasi dala-dala ko pa yung mga pinamiling damit ni ate para sa akin.

Umakyat na agad ako sa kwarto ko kasi wala na ring gana yung tiyan ko na kumain pa ng hapunan. Himala nga eh. Mukhang kinareer na talaga ng tiyan ko ang diet eh. ^____^

Inilapag ko lang sa bedside ko yung mga paper bags tsaka diretso na ako sa banyo. Alam niyo yung feeling na ang lagkit na ng katawan? Ganito yun eh. Naligo muna ako tsaka nagbihis na rin ng pantulog. Nahagip ng mga mata ko yung bracelet na bigay ni Luke. Hindi ko 'to tinatanggal sa wrist ko eh. Baka kasi mawala--

O______O!

Yung bracelet na bigay ni Kim!! Janella naman eh!! Nahulog mo pala yun habang hinahanap mo si Kim! Ugh! Sinuntok-suntok ko yung noo ko. Paano ko na hahanapin yun?! Patay ako 'pag nagkataon nito eh. Sana kilala ko yung nakahanap diba? T____T

Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko kung paano ko mahahanap yun, hindi ko na namalayan na kinuha ko na pala yung jacket at wallet ko at naglalakad na ako papunta sa pinakamalapit na mini stop dito sa amin.

Ganito talaga ako kapag naii-stress, pagkain lang ang pambawi ko. Pumasok na ako sa loob since 24/7 naman 'tong mini stop. Kumuha ako ng paborito kong pringles na plain lang, yung walang flavor tapos isang bottled water. Baka kasi sumakit ang tiyan ko kung uminom pa ako ng carbonated drinks eh.

Naalala ko nung nagrereview ako para sa college entrance exams, uminom ako ng uminom ng coke nun bago magreview. Alam niyo kung bakit? Kasi may caffeine ang coke. Kaya hindi ka aantukin habang nagrereview.

Umupo ako sa isang stool dun na may round table na maliit lang naman at pwede sa dalawang tao lang. Grabe na yung focus ko sa pagkain ng pringles nang biglang tumuong yung chimes sa pintuan. Ibig sabihin eh may pumasok. Nakita ko sa peripheral version ko na isang babae ang pumasok. Ngayon ko lang siya nakita ah. Nako Janella, malamang. -____-

"Ah miss, pwede maki-share ng table?" tinignan ko yung nagtanong sa akin at nakita ko yung babaeng pumasok kanina. 

Nginitian ko siya tsaka tumango, "Sige, okay lang."

Chubby Ako. (on-going)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα