Chubby Ako - Entry #3

29.9K 217 61
                                    


ENTRY #3



"Aasahan kita. . ."



Sabado. 10am. School.
--

Nabigla ako.. Bakit naman ako nun niyaya maglunch? Saka.. diba parang mali? Kasi.. may girlfriend na siya.. Diba parang dapat.. si Drew ang ka-date niya ngayong Sabado? Hay... 

Nandito pala ako sa school ngayon. Pinapatawag pa ako ng School Admin. Hala.. Ewan.. Baka may ginawa na naman akong masama.. O baka may impakta na naman na nagreport na nambubully ako. As if naman diba!? 

Hassle! :| Kelangan ko na kasing madaliin yung research proposal ko. Magdedefend na kasi ako nito sa March. Hay.. Kelangan kong mairaos 'to para maka-graduate ako. Parang thesis lang ba?

Pumunta na ako kay Ma'am Bubuyo (School Admin namin). Ayun. Mabuti naman at wala naman pala akong nagawang masama. Pinuri lang ako ni Ma'am. Ang galing ko daw kasi. CHOS. :)) Hindi, totoo, maganda raw kasi yung proposal ko. Pwede raw na ilaban sa Science Fair. /beats

Mas lalo tuloy akong kinabahan..

Medyo napatagal yung usapan namin ni Ma'am, nakaabot na nga sa student's responsibilities. Pati nga lovelife ni Ma'am shinare niya na eh. :/ Di ko tuloy napansin ang oras.. 

At Jusmiyo Lord. 11:30 na! SI KIM! Maghihintay daw siya sa gate. Hala. Late na ako. Ang kapal naman ng mukha ko para magpalate! Hala. /beats -___-

Nagpaalam na ako kay Ma'am at kumaripas ng takbo papunta sa gate. Busheng. Nakakainis! Ang gulo na ng buhok ko, pinagpapawisan na ako. Ines!

Hingal na hingal akong nakarating sa may gate. Pheww! Basang babo-- ugh. Okay, stop being too hard on yourself Janella. :|

Hinanap ko si Kim.. at nakita ko siya. Nilapitan ko siya, busy siya sa cellphone niya.. magsasalita na sana ako kaso nakita ko na parang may luhang pumatak mula sa mga mata niya..

"K-kim?" tumalikod siya sakin tapos tinago niya yung cellphone niya. Saka humarap ulit, suot-suot niya na yung ngiti na alam kong peke naman.

"Hi Jan! Kanina ka pa ba dyan? Taralets!"

---

Nagkwento ako kay Kim.. actually, naikwento ko na ata lahat kay Kim.. Yung about sa family ko.. Tatlo kaming magkakapatid. Ako yung pangalawa, may ate ako, at lalaki ang bunso. Sa pamilya namin, ako yung hindi close sa lahat. Paborito kasi ng mama ko ang ate ko. Paborito naman ni Papa si bunso. Yung ate ko kasi.. maganda siya, sexy.. hindi tulad ko.. Kasi mataba ako..

"Nga pala Kim.. bakit ka lumuluha kanina sa may gate? Napano ka ba?" Nagulat siya. Ewan ko kung bakit.

"Ahh.. yun ba? Hahaha. Wala na kasi kami ni Drew.. pero wala yun! Ayos lang ako! b^___^d"

"Neknek mo. Sinong niloko mo? Asa namang okay ka.. may paluha-luha effect ka pa. Oh hah!? Pero ayos lang yan.. makakalimutan mo rin siya. Tiwala lang! /winks"

"Teka.. balik tayo sa pamilya mo. Bakit naman ganun yun? Parang ang unfair naman nila kung ganun.."

"Hayy.. ganun naman talaga yun.. Mataba kasi ako. They tend to look at my imperfection.. Alam mo, feeling ko, dahil dito sa mga fats na 'to.. wala.. Wala nang magmamahal sa akin.. Pero sanayan na lang. Ganto naman talaga diba? Ayos lang.."

"Anong wala? Nandito kaya ako!"

"Hah?"

"Ahh.. nandito ako. As in, magkaibigan naman tayo diba?"

"Oo naman! ^___^"

"Sino nga pala first love mo?"

Natigil ako sa pagkain. Crgbngkl. San niya naman napulot ang tanong na yan? Whew. /beats "Ano.. kasi.. ahmm. Alam ko naman na wala akong pag-asa.. kasi di ako maganda.. di rin ako sexy.. Ahmm.. First love ko? Si.. L-l-luke.."

"Si Luke? Si.. Luke Reboredo?"

"O-oo.. b-bakit?"

"Ganun.. bestfriend ko yun eh.."

"H-ha!? A-ano.. ahm.. *kamot-kamot* K-kim.. wag mo sanang sasabihin sa iba yung.. f-first love ko ah? Ahmm.. please?"

"Sige.. hindi ko sasabihin."

"Pero alam mo Jan? Hindi naman mahalaga kung maganda ka, kung sexy ka, kung perpekto ka. Bakit? Kelan pa ni-require ang pagiging perfect? Ang mahalaga.. eh kung ano yung nararamdaman nito.." tinuro niya yung dibdib niya.

"... kasi sa pag-ibig, walang sino, ano, kung bakit o paano. Basta ang mahalaga.. kung ano yung totoo.. at kung ano yung talagang nararamdaman, ng puso mo../winks"

Chubby Ako. (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon