Chubby Ako - Entry #39

14.8K 131 81
                                    

Note: Eleven more chapters, and we're done. Excited na akong matapos 'to! :) *ahem* Sa tinagal-tagal ng panahon, naibigay ko rin yung hinihingi mong dedication. Naks! Hi Pareng Aldrin! :) Hello din kay Sarah Mae Reyes! God bless sa'yo bata! :) PAALALA: Fast-paced na ‘to. Mahilig ako sa snippets guys. Yung lang. *bow*

ENTRY #39

Janella's POV

**

"So class, how was your Christmas and New Year break?" masayang-masayang tanong ng adviser namin. Kanya-kanyang bulungan naman 'tong mga kaklase ko.

Psh. Edi sila na kasi ang may masayang break! T______T Porke pala plain at typical lang yung akin eh! Nakatitig lang ako sa chalkboard namin habang nagdadaldalan si Ma'am at yung mga kaklase ko. Ang mga para-paraan naman kasi! Para walang leksyon, daldalin niyo lang yung titser. Ganyan tayo eh!

Pero sa kabila ng lahat ng pandadaldal ng mga kaklase ko, hindi pa rin nun napigilan si Ma'am na maglesson. Nakuu buti naman at matalino ang adviser namin. Ang araw na 'to ay gaya lang ng ibang mga school days ko. Magtuturo, kokopya ng notes, magrerecite, pasimpleng iidlip ng konti at paunahang makalabas kapag nagbell na siyang indikasyon na Lunch Break na.

Grr. Ang boring pala mag-aral! @_____@ Hindi biro lang!

**

"Psst Jan, sabay na tayo maglunch?" Inaayos ko yung mga gamit ko nun nang biglang may naupo sa armrest na kaharap ng upuan ko.

Nakita ko si Kim at pinagmasdan siya ng mga limang segundo. Bakit ganun? Alam niya naman sigurong may nasabi siya sa akin nung nakaraan lang-- ibig kong sabihin, paano niya nagagawang kumilos na parang normal pa rin pero ako mamatay-matay na sa kaiisip kung anong ibig sabihin ng 'iloveyou' na yun? Ganto ba talaga ang mga lalaki? Madaling maka-move on at maka-let go? Hmm, hindi naman siguro ganun si Kim. Ang misteryoso kasi ng lalaking 'to eh. Hindi ko tuloy malaman, ma-calculate o mabasa man lang.

"Ehem! Janella Salvador?" napailing ako bigla ng mag-ehem siya. Inayos ko na yung mga gamit ko tsaka sabay na kaming pumunta sa cafeteria.

Hindi ko pa nakikita si Luke ngayong araw na 'to ah? Hindi kasi nagpaparamdam yun. Nagpapa-miss daw. Kelangan ba ng ganun? 

Bumili na kami ni Kim ng kanya-kanya naming pagkain tsaka naghanap ng mauupuan. Nung makahanap na kami, ipinatong namin yung dala-dala naming trays tsaka naupo na. Inilagay ko ang bag ko sa katabi kong upuan at ganun din si Kim kaya magkaharap kami ngayon.

"Musta?" tanong ni Kim. Parang ang inappropriate naman ng tanong? Parang walang nangyari eh. Tss. The thing with boy bestfriends.

"Okay lang. Ikaw?" tumango naman siya sa akin bilang sagot. Weird conversation. Hindi ako sanay na ganto kami mag-usap.

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now