Chubby Ako - Entry #21

20.4K 144 66
                                    

ENTRY #21

Dedicated to @Nikkidoo. Ate Chuuubs! >:D<

Plug. Plug. Plug. >:) Try niyo rin 'tong basahin guys! :)

http://www.wattpad.com/13320371-bloglife-lovelife

http://www.wattpad.com/story/4971964-tiwala-lang-a-short-inspirational-story

xxx-xxx-xxx-xxx

Janella's POV

"Teka Yanna, okay na ba 'to dito?"

"Pre, paabot naman nung gluegun oh."

"Gosh! Why won't it stick?!" 

"Ayan gumana din!"

*sighs*

Abalang-abala ang lahat ng kaklase ko sa pag-aayos ng booth namin. Sa Thursday na kasi yung School Fest. Dalawang araw lang kasi yun. Tapos after ng school fest, academic month na. Magseseptember na kasi at panahon na yun para sa mga contests, exams at kung anu-ano pang academic activities.

As I was saying, abalang-abala sila.. habang ako? T____T Nganga. Si Kim kasi eh! May pasigaw-sigaw epek pang nalalaman kahapon. Yan tuloy, wala na talagang kumakausap sakin. Tsk. Wala na palang mascot. Magpapamigay na lang daw ng flyers sa mga students para pumunta sila sa cafe namin. 

*sighs*

Wala akong magawa dito kundi maupo at tumunganga at pagmasdan ang mga kaklase kong super busy. Kukunin ko sana yung book ko sa bag kaso nakita ko yung bracelet na suot-suot ko. Yung bracelet na binigay ni Luke.. Hindi ko pa 'to inaalis mula kahapon. Kahit sa pagligo ko suot ko 'to kasi baka mawala eh tapos magalit pa sa 'kin si Luke!

Itinaas ko yung wrist ko. Ang ganda talaga nito oh.. kaso medyo mahal. Kaya iingatan ko talaga 'to. ^______^

“Psst Janella!” tumingin ako sa kung sino mang tumawag sa akin tsaka nagpout. >3<

“Oh Kim? >3<”

“Bakit nakapout ka dyan? Tigilan mo nga yan, nakakaasiwa ah.” Binehlatan ko siya. Aba’y nakakaasiwa daw? TSK. >3<

Nakita kong may mga hawak siyang papel uhm.. glossy papers. “Para sa’n ang mga yan Kimpot?”

Ipinakita niya sa akin yung mga hawak niya. “Ah eto ba? Flyers, nagvolunteer kasi ako na ako na lang magpapamigay. Sama ka?”

Lumiwanag yung mga mata ko nang narinig ko yun. Yes! May gagawin na din ako ngayong araw! Nakakaboring na eh. -_____- “Oh sige ba! Tara!”

Umalis na kami ni Kim sa room namin at nagsimulang magpamigay ng flyers. Actually siya lang naman ang namimigay, alalay lang ako dito eh. Pero hayaan na, at least may ginagawa ako. ^____^v

“Kim, hindi ba galit sa’yo sina Yanna? Alam mo na, yung sigaw-sigaw epek mo kahapon..” sinimulan ko ang conversation habang namimigay pa rin siya ng flyers.

“Sa gwapo kong ‘to?”

=_____=

“Pakialam ko naman sa kagwapuhan mo? Tsktsk.”

“Ang dami mong satsat ngayon, oh ayan..” binigay niya sa’kin yung kalahati ng mga flyers na dala niya. “Ikaw naman mamigay niyan. Ang dami ng ginagawa mo eh.”

-______-

Tumango na lang ako tsaka namigay na rin ng flyers. Ayaw pa nga tanggapin ng iba eh! Nakng! Nagdesisyon kami na sa rooms naman mamigay tutal busy naman ang lahat para sa booths nila. Napadaan kami sa room nina Luke tapos busy din sila. Iba-iba yung mga booths nila eh.

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now