Chubby Ako - Entry #41

13.3K 145 112
                                    

ENTRY #41 (Part One)

 

Janella's POV

 

**

"Tapos na..." sabi ko sa sarili ko habang nakaharap ako sa salamin. Naisuot ko na yung purple dress ko para sa Prom. Kinuha ko yung heels sa may kama at isinuot na rin yun. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa Prom, kinakabahan ako sa kanya, at kinakabahan ako sa bracelet na suot ko ngayon.

*sigh*

Tinignan ko yung clock, 5pm na. Isang oras na lang bago yung start. Dinouble check ko yung mga gamit na dala ko tsaka bumaba na ako.

"Manang! Alis na po ako!" sabi ko kay Manang. Nasa kusina kasi siya at mukhang abalang-abala sa pagluluto.

Mamayang gabi ata ang dating nina Mama. Siguro mauuna yung umuwi kesa sa akin. Ang paalam ko kasi, 10pm pa ako uuwi.

"Sige hija! Mag-ingat ka tsaka enjoy!" 

Lumabas na ako ng bahay at naghanap ng taxi. Hindi ko mapigilang kagatin yung kuko ko kasi kinakabahan talaga ako ngayon. First Prom ko 'to eh! Well, first and last Prom. Sana naman maging maganda ang kalabasan.

Tinignan ko yung bracelet na suot ko tsaka huminga ng malalim. It's all or nothing.

**

Pagdating ko sa school, ang dami nang tao. Mga estudyante ng EHS, school staffs, parents, tsaka may mga bisita. May mga ushers and usherettes din na nasa may gate para i-assist yung mga guests. Huminga ulit ako ng malalim for the last time at pumasok na sa loob. Sana lang eh hindi ako matapilok sa heels na suot ko. >____<

Nag-ikot-ikot muna ako sa quadrangle. Ang ganda ng school namin ngayon. May mga ilaw, balloons, petals ng roses tsaka yung isang malaking banner sa stage na may nakalagay na "Junior-Senior Prom 20**"

Haaay. First things first! Naglakad-lakad ulit ko dun tsaka tinignan yung mga schoolmates ko. Tinalasan ko na yung mata ko para mahanap ko siya.

 

Napatigil ako sa may stage kasi feeling ko ayun siya. Lalapit na sana ako pero bago pa ako makalapit, he found me.

"Janells!" sabi niya sa akin. He was wearing this black tuxedo and a purple necktie. Bagay sa purple dress ko. Just like what he said.

"Hi." ngumiti ako sa kanya. Pero nakatingin at nakatulala lang siya sa akin, kaya nagsalita ulit ako. "M-may.. problema ba?"

Umiling lang siya habang nakangiti. "You're.. gorgeous." sabi niya. Inalok niya sa akin yung kamay niya at kinuha ko naman yun.

Naramdaman kong nag-init na naman yung pakiramdam ko, "Salamat. Ikaw rin." sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now