Chubby Ako - Entry #23

20.1K 150 68
                                    

ENTRY #23

Dedicated to @MustacheKid.

Kim's POV

Naglalakad-lang ako sa mga booths dito sa campus. Napatigil ako sa isang booth kung saan magbabayad ka ng P30 para makapaglaro ka. Bibigyan ka ng tatlong turns para matamaan mo yung balloons na nakadikit sa parang pader na gawa lang sa plywood. Nakadepende sa kulay ng balloon na matatamaan mo ang price. Kapag natamaan mo yung blue balloon, isang maliit na stuff toy ang price, kapag naman yung black ang natamaan mo, isang malaking stuff toy. Ikaw na ang bahalang pumili. Ang hirap matamaan yung black kasi nag-iisa lang siya dun sa gitna tapos napapalibutan pa ng mga balloons.

Haaay. Kung anu-ano na lang ang napapansin ko dito. Totoo kaya yun? Sila na kaya? Hindi ko pa naman nakakausap si Janella. Umiiwas nga ako eh. Ewan. Parang masakit kasi malaman yung totoo eh.

"Hello Gabby? Haaaay. Sinunod ko na yung sinabi mo na magconfess ng feelings kay Janella, kaso parang.. huli na eh." tumawa ako. "Naunahan na 'ko. Kung sabagay, kasalanan ko naman eh.."

"Kim? Sinong tinutukoy mo?"

Halos mabitawan ko yung cellphone ko nang marinig ko kung sino yung sumagot.

"J-janella? Ah.. eh.. Wala yun! Sorry wrong number!"

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pinindot ko na agad yung end call. Tsk! Si Janella pala yung natawagan ko? Nakng epic fail naman!

Dinial ko ulit yung number ni Gabby at sa pagkakataong ito, sinigurado ko na na si Gabby nga ang natawagan ko.

"Gabby? Ikaw yan diba? Hello Gabby?"

"Uhm Kim? Yes, Gabby here. Bakit parang praning ka dyan? Anyways, why did you call?"

"PHEW! Ah wala.. na-wrong number kasi ako.. Ginawa ko na pala yung sinabi mo na umamin kay Janella.."

"OH?! Anong nangyari?! Does she feel the same?" nasa tono ng boses ni Gabby na excited siya malaman kung anong nangyari. Kaso..

"Hindi naman ako nakaamin eh.. nakita ko kasi sila ni Luke, parang hinarana ni Luke si Janella tapos may rosas.. tapos.. tapos nagyakapan sila. Ang saya nga ni Luke eh, kung ganon eh baka.."

"B-baka sila na?"

"Oo. Naniniwala ka na ngayon sa akin Gabby? Friendzoned nga ako diba?" tumawa ako.

Narinig kong bumuntong-hininga siya. "But.. EEHH! So nakakainis naman Kim eh! Ask her pa din kung sila na ni Luke! Malay mo kasi hindi naman diba? Ask her!"

"Ayoko nga. Kitang-kita na kaya ng mga mata ko. Tanggapin na lang natin okay?" nakasimangot na ako nun.

"Haynako! The regrets are always in the end Panget! Well anyway.. I'll do something about that. Bye Panget! Gotta go!"

Hindi na ako nakasagot kasi in-end call na niya. Tsk. Ano na namang pinaplano nun?

"Anong stuff toy ba ang gusto mo Janells?"

"Ah.. yung spongebob sana. Kaya mo ba yun? Dapat yung black balloon!"

Hinanap ko yung pamilyar na boses na yun at nakita ko yung dalawa sa gilid ng stand na kinatatayuan ko din. Aalis na sana ako kaso nakita na 'ko ni Luke.

"Oh Kim! Nandito ka pala.. kanina ka pa hinahanap nitong si Janella eh!" tinapik niya yung likod ko. Tumango naman ako sakanya tsaka tumingin kay Janella.

"Naglalakad-lakad lang naman ako dito bro.. sige, una na ako. Mag-enjoy kayo ng.. ng girlfriend mo ah." nagwave ako at naglakad paalis.

Nagbasa-basa ako sa bulletin board. Pre-science congress? November na pala yun? Shet. Yung SIP ko hindi ko pa pala naaasikaso. Aish. Hayaan na, mamadaliin ko na lang. Nakakatamad naman eh! Ga-graduate na lang meron pang mga ganyan-ganyan. Eh sa dating school ko wala naman niyan! Psh.

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now