Chubby Ako - Entry #22

20.1K 150 89
                                    



ENTRY #22

Dedicated to @MsPhotography. SHOOOOBS! :)

Janella's POV


Sinimulan namin ang October fest sa pagpaparade at sa opening program. Ang ganda ng school namin ngayon. Hanggang sa Friday lang 'to. Kasi next week, puro basura na. Maraming mga banderitas na nakasabit tsaka marami ding mga food stands na nagkalat sa campus. May mga estudyante na abalang-abala pag-aayos ng mga booths nila, may mga bumibili, nagtatawanan, nag-uusap, pero meron ding iba na mas piniling magstay sa room, matulog, umupo, tumunganga. At isa ako sa mga "ibang" yun.

*sigh*

Ewan ko ba. Hindi ko lang maramdaman ang vibes ng fest na 'to. Si Ate kasi eh.

"Oh shobs, alis na ako ah? Tapos na yung one week leave ko. I gotta go back to my condo na. Mamimiss kita shobs! Nga pala, Mom e-mailed me, uuwi na daw sila next month or a month after next month. Bye shobs!"

*sigh*

Ni minsan hindi ako naka-feel ng excitement sa tuwing uuwi sina Mom and Dad and brother. Wala lang. Mas sanay kasi ako na nagpapadala sila ng stuffs tapos money eh. Kapag nasa bahay kasi sila, feel ko ang existence nila pero hindi nila feel ang existence ko. Malayo lang talaga ang loob ko sa kanila. Ampon ata ako eh. HAHA.

Kinuha ko sa bag ko yung isang paper bag tsaka sinimulang hanapin si Kim. Nawawala eh. -__- Di ko mahanap sa room. Kapag nagtanong naman ako sa mga kaklase ko ayaw ako sagutin, di naman daw sila information desk. Hayst.

Naglakad-lakad na lang ako sa school grounds. Shet nakaka-tempt ang mga pagkain na nakikita ko. Buti na lang talaga at iniwan ko yung wallet ko sa room. Phew. Kuntentado na ako sa pagtingin at pag-amoy sa mga pagkain. Napadpad ako dito sa room nina Luke. Daming tao ah! O__O Lumapit ako sa isang babaeng nakapila at nagtanong, "Miss, anong meron sa loob?"

"Ewan ko nga rin eh. Nakipila lang kami kasi maganda daw ang nasa loob."

*facepalm* Oo, napa-facepalm ako kay ate. Kasi naman! Pipila-pila tapos hindi alam kung anong pinipilahan?! Paano na lang kung mapahamak siya dyan?! Kung i-murder siya at gawin sakanya yung ginagawa sa Saw?! DE JOKE. Ang OA ko na naman.

Wala akong choice, sobrang na-curious ako kung anong nasa loob kaya tinawagan ko na si Luke.

"Luke?"

"Oh Janella? Bakit ka napatawag?" hindi masyadong maingay ang linya ni Luke. Wala siya sa room?

"Saan ka? Ang daming nakapila sa room niyo eh. Anong booth niyo?"

"Hah? Ah wala ako sa room, nandito ako sa gym, naglalaro ng basketball."

"Ahh.. oh sige, pasensya na sa abala. Teka, si Kim nakita mo?"

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now