Chubby Ako - Entry #24

20.1K 125 20
                                    

ENTRY #24


A/N: Starting this entry onwards, purely Janella's POV na. xD Say hello to long and 'serious' entries! xD Dedicated to her :) Yung mga nagpapadedicate po pala, noted ko 'yon, kaso medyo madami po kayo kaya isa-isa lang po xD Inuuna ko po kasi yung naunang nagcomment na magpapadedicate daw. Thanks. :)

xxx-xxx-xxx-xxx

Janella's POV


My saturday went fine. Ginawa ko yung usual rituals ko tuwing umaga bago pumunta ng school para sa remedial classes. So far.. so good naman. Nakikita ko naman na improving na ang performances ng mga schoolmates ko na nag-aattend ng remedial. Kapag nagtuloy-tuloy pa 'to? I'll be done with this thing. Bawas load din.

After the remedial chuchu, diretso na ako sa bahay para maglunch. Haaay. Ako na lang mag-isa dito. Umalis na kasi si Ate. Nandyan naman si Manang pero iba pa rin kapag nandyan yung family mo. Speaking of family, kelan kaya uuwi sina Mom? Hindi naman ako sanay na kino-contact sila and do the usual "kamustahan" thing. Mas sanay ako na sila ang tumatawag sa akin to tell me some important details and stuffs.

Nandito ako sa maliit na space sa harap ng bahay namin. Nakaupo ako sa isang upuan at kaharap ko ang mga homeworks na dapat kong gawin while waiting for Luke. Napabuntong-hininga ako nung pinagmasdan ko yung bahay namin. It looks.. the same. Kaso ngayon ko lang narealize na ang lungkot pala mag-isa diba? Mula first year high school, sinanay ko na ang sarili ko to live independently. Pero moments like this? Staring blankly at nothing, mahangin.. ngayon lang nagsisink in sa akin ang lahat.

Next thing I knew? Tumatawa na ako. Si Kim kasi eh! Nabigla talaga ako nung isigaw niya na boyfriend ko na si Luke, I mean.. as if naman diba? Hindi ko boyfriend si Luke! Nanliligaw pa nga lang yung tao eh! Naalala ko yung tanong niya sa akin nung Thursday, "Pwede ba manligaw, Janella?" Yan yung nakasulat sa placard. So corny right? Pero kung ikaw ang nasa sitwasyon? I am telling you.. that would probably be the cheesiest "corny" thing. Ever.

Kinilig ako bigla. Haaay. Alam niyo kasi yung feeling na yung crush mo, nililigawan ka? Parang.. joke ba 'to? Am I being punked or something? Pero hindi eh.. it's real. Nakaka-amaze lang isipin eh.. how can something unreal be so.. real? Ay, scratch that. Ganito na lang. Nakaka-amaze na yung mga bagay na akala mong hindi pwedeng mangyari, eto at nangyayari na sa'yo ngayon.

"Hi Janells! Oops.. pumasok na ako ah? Sorry kung medyo late ang dating ko." there comes Luke na papalapit sa akin. Tinignan ko yung wristwatch ko and.. hindi pa naman siya ganon ka-late. Napansin kong may bubwit na sumusunod sa likod niya kaya napakunot-noo ako. Hindi dahil sa naiinis ako, nagtataka ako kung sino yung nasa likod niya.

"Hi Luke! Sino.. yan?" ngumuso ako sa nasa likod niya. Isang batang lalaki na ang higpit ng hawak sa pantalon ni Luke. Nahihirapan tuloy siyang maglakad.

Binuhat niya yung bata sa likod niya at iniharap sa akin. "Uhh.. siya si Migi, Janells. Cousin ko. Nagpumilit na sasama daw siya sa akin dito eh.."

Ngumiti ako sa bata tsaka pinagmasdan ko siya. Ang cute! Hindi nga siya makatingin sa akin kasi.. nahihiya ata. Ang puti niya nga eh! Ang sarap.. kurutin!!

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now