Chubby Ako - Entry #49

131 2 0
                                    

Entry #49

xxx-xxx-xxx

Janella's POV

Pumasok ako sa school namin at nakita ko na halos lahat ay nakaputi. Madami ring nagpapa-picture. May mga nagreretouch, nagkwekwentuhan, kumakain at yung mga nakatambay lang. Inayos ko ulit yung toga ko tsaka nakangiting umupo sa designated seat ko.

Shete mga friends. Fourth honorable mention ako 'no! At OO! Kinaganda ko talaga 'to! ^____^v

Palinga-linga ako sa paligid kasi hinahanap ko si.. si Kim. Wala. Gusto ko lang siya hanapin. Eh bakit ba? >//<

Binasa ko ulit yung program at tinignan ulit yung pasunod-sunod ng mga mangyayari nang may biglang tumuktok sa graduation cap ko. Napatingala ako, reflex action eh. Tapos nakita ko ang napakagwapong-- as in yung super napakagwapong mukha, wait-- promise super duper gwapong mukha talaga ni Kim. Naiintindihan niyo ako diba?

"Oh?" sinubukan kong magtaray sa kanya kasi pinaiyak niya ako kahapon gawa na rin nang napag-usapan namin pero wala eh, konting ngiti niya lang, lubog ako eh. Kaya tumingin na lang ako sa ibang direksyon.

"Taray naman nito. Kanina mo pa ako hinahanap 'no?" ngumiti siya, yung pang-asar ba. 

"Hinda ah! Assuming nito." kahit oo, syempre nakakahiya yun.

"Sus! Nakaupo ako sa likod mo eh. Palinga-linga ka pa dyan. Sino palang hinahanap mo, aber?" tinaasan niya ako ng dalawang kilay. "Si Luke ba?" sumimangot siya. "Ako talaga eh nagseselos na diyan ah. Simula't sapul palagi na lang si--"

"HINDI NGA! Ahm.." tumingin-tingin ako sa paligid. Palusot nasaan ka? >__< "Yun! Siya yung hinahanap ko! Si Nikki!" binehlatan ko siya tsaka tumakbo papalapit kay Nikki. 

"NIKKI! Hi!" ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya sa akin. Kinuha ko yung bracelet na bigay ni Kimpot tsaka pinakita ulit sa kanya. "Salamat pala dito ah?"

"Ay sure Janella! No problem! Buti nga at nakuha ko yan eh. Congrats pala ah?" kinuha niya yung kamay ko tsaka nakipagshakehands ng bigla-bigla.

"A-ah. Ehh oo, congrats din! Salamat ulit! Hindi mo alam kung gano kaimportante ang bracelet na 'to. Bakit ko pa kasi nawala eh. *kamot-kamot*"

"Nawala ang alin?" biglang sulpot ni Kim sabay akbay sa akin. Ilang naman daw ako sabay kilig. >//<

"A-ahh! Ehh wala! Yung.. yung panyo ko kako nawala tapos nakuha ni Nikki.." tumingin ako kay Nikki para pasakayin siya sa palusot ko pero nakita ko na titig na titig siya kay Kim.

"Nikki?" winave ko yung kamay ko sa harapan niya pero walang epekto eh.

"Jan, okay lang ba yang kaibigan mo? Mukhang constipated ah." bulong sa akin ni Kim. Siniko ko nga. >___<

"Oh.. my.. gosh. Janella, please isa lang?" nagpuppy eyes siya sa akin kaya napakunot-noo ako. Next thing I knew?

"OH MY GOSH! Hindi mo alam na matagal na kitang crush! Simula nung lumipat ka dito crush na kita eh! I can't believe na ikaw yung tinutukoy ni Janella pero whatever basta please manahimik ka lang and give me this chance oh my gosh!" Yep. You guys got it, yakap-yakap niya na ang Kimpot KO. Aish, nakakapangselos naman. >__<

"Ahh miss?" inalis ni Kim yung yakap ni Nikki pero sparkle-sparkle pa rin ang mga mata niya. "Maraming salamat sa admiration pero kasi.." inakbayan niya ulit ako. "Taken na eh." sabay kindat sa akin.

>///< Tinignan ko si Nikki at nakita ko na nakangiti siya pero halata naman na.. sus.

"Ahh oo, alam ko 'no. Tsaka.." tinuro-turo niya yung lalaki sa likod niya. "Boyfriend ko.. si Denver." ngumiti siya ulit sa amin. "Sige ah? Una na ako sainyo!" naglakad na siya paatras habang kumakaway. Tumango kaming dalawa ni Kim tsaka naglakad na rin pabalik sa seats namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now