Chubby Ako - Entry #16

21.9K 155 77
                                    

ENTRY #16

xxx-xxx-xxx-xxx


Janella's POV

Sumakay kami sa kotse ni Gabby at ewan ko lang pero ang bigat lang talaga ng aura sa loob ng kotse. Walang nagsasalita. Medyo umambon din kaya ang ginawa ko, pinanood ko na lang yung ulan sa bintana. Ganun lang ako hanggang makarating kami sa bahay nila Gabby. At take note, basang-basa pa rin damit ko.

Tumigil yung kotse sa harap ng bahay ni Gabby tapos bumaba kaming lahat. Pumasok kami sa loob ng bahay at.. "Anak ng tokwa't tinapa.. ang laki.. O______O" napanganga as in literal na nganga ako sa bahay nila Gabby. Ang laki. Ang ganda. *_____* Tinawanan lang ako ni Gabby tapos ginuide niya kami papunta sa guest room ng bahay nila kasi dun daw kami mags'stay lahat. LAHAT GUYS, alam niyo yun? Edi ang laki ng guest room! *_____*

Pinagmasdan ko lang yung buong bahay ni Gabby. Ang laki at ang ganda sana kaso.. bakit parang walang tao? May mga maids akong nakita pero bakit parang wala yung pamilya ni Gabby? Haaay. Weird!

"Pasok na muna kayo guys dito. Feel at home okay? I'll just go downstairs to ask manang to prepare us some food." iniwan na kami ni Gabby sa loob ng guest room na parang hindi naman guest room eh.

Bakit? Kasi ang laki niya. Merong dalawang kama, tv set, playstation tapos mini-dining table na sapat lang para sa apat na tao. Tinignan ko yung dalawang lalaki na kasama ko na kanina pa tahimik na sigurado akong ang lalim ng mga iniisip. -______-

"HOY KAYONG DALAWA!" sinigawan ko sila habang nakapamewang ako. Nababagabag na ako sa katahimikang ito eh! Masyado ng maingay!

"Bakit Janells?" agad na sagot ni Luke habang si Kim, deadma pa rin. =___= Yung noo niya nakakunot tapos lumabas na yung ugat na pa-cross sa may gilid ng eyebrows niya eh. =___= Alam niyo yun? Yung pa-cross na ugat na lumalabas kapag naiinis na ang isang character sa anime. Basta yun!

"Hooy Kim! Anong pinuputok ng butse mo hah? Kanina ka pa banas na banas dyan eh!" hinintay kong sumagot siya pero wala pa rin. "Aba.. meron ata 'to eh.." dagdag bulong ko. =_____=+

"Haaaay! Kapag kasi tinatanong eh sumasagot! Kainis naman! Basang-basa na nga ako tapos pinapainit niyo pa ulo ko.." nagkunwari akong nagtatampo dun para tignan kung anong reaction ni Kim kaso WALA! Walang reaction! =____=

"Hey Janella.. sinagot naman kita ah!"

"Hindi ikaw Luke.. yung kaibigan mo.." bulong ko kay Luke sabay nguso kay Kim na nakaupo lang sa sofa at nanunuod ng TV.

"Guuuys! Here's the foods na!" nakita ko si Gabby na pumasok sa room dala-dala yung dalawang bowl ng popcorn. Nilagay niya yung dala niya sa mesa at tinignan ako. "Oops! I almost forgot!" tumakbo siya papasok dun sa closet ng room tapos may kinuhang shirt at pajama. "Here Janella, wear this! Basang-basa ka na eh, baka magkasakit ka na niyan." nagdalawang-isip pa ako bago ko kunin yung damit pero kinuha ko rin naman since basang-basa nga 'tong damit ko.

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now