Chubby Ako - Entry #18

21.1K 171 92
                                    


ENTRY #18

Dedicated this to @bythewayimleen. Ayoko na sa bitter updates. Masayang updates naman. :) Sinisira ko na ba image ni Kim? HAHAHA *grins*

 xxx-xxx-xxx-xxx

 Janella's POV


Lutang akong pumasok sa school ngayon. Bwisit kasi yang si Kim Stefano eh. Binabagabag ako. At ang mas malala? Hindi niya alam na naaapektuhan niya ako ng ganto.=___=

Pagpasok ko ng room namin, as usual, magulo sa loob at walang pumansin sa akin. Loner diba? Hinanap ko si Kim at nakita ko na nakadukdok lang siya dun sa upuan niya. Neh. Manigas siya dyan. Naiinis ako sakanya.

Teka.. bakit ako naiinis sakanya?

Waaaaaa! Ewan ko! Basta naiinis ako! Alam niyo kasi yung feeling na binabalewala ka lang ng taong nasa mga priorities mo? Tsk. Bestfriend ko yan eh, syempre mahalaga yan sakin, syempre mag-eexpect ako na lagi siyang andyan para sakin. Syempre gusto ko ako yung piliin niya kesa sa mga friends niya, kasi BEST friends kami eh. Pero hindi eh.. Bakit? Kasi dumating yung isa pa niyang BEST friend. Hmmp.

Napansin kong nagkakagulo yung mga officers dun sa may teacher's table. Haaay. Hayaan na. Uupo na lang ako dito sa upuan ko at magp'pretend na hindi ako nag-eexist sa classroom na ito. Loner ako eh. Ayoko naman na lumapit at makipag-usap sa mga kaklase ko kasi nakakahiya. Baka itaboy lang nila ako. Ayokong ma-reject.

"Settle down people!" napatingin ako sa unahan nang biglang magsalita si Yanna, president namin. Tumahimik naman yung buong klase. "Aware naman kayo na October na diba? At alam kong aware din kayo na kinagawian na ng school natin na magkaroon ng October fest tuwing October. Duh? Hahaha! Kaya ngayon, kelangan na natin magplano kung anong booth natin. Assigned kasi tayo since first section tayo."

Blahblahblah. Nagsalita lang ng nagsalita si Yanna habang ako naman, nakatingin lang sakanya. Straight face. Kunwaring nakikinig pero hindi naman.

Ganto raw yung napag-usapan nila. Parang mini cafeteria daw sa amin. Ang iseserve daw eh mga pagkain, sweets, drinks and the such. Tapos kelangan daw nila ng..

"So ngayon guys, since mga cute stuffs ang ibebenta natin. Napagdesisiyunan naming mga officers na dapat may mascot tayo tapos ang mascot na yun ay isang cute na bear na siyang magwewelcome sa customers natin. Kaya ang problema natin.. sino ang mascot?"

Natahimik yung buong klase. Nagbulung-bulungan yung iba. Yung iba naman eh naghahanap ng pwedeng mapagtripan at gawing mascot.

"SI JANELLA NA LANG PRESIDENT! TUTAL BAGAY NAMAN SAKANYA EH! DIBA GUYS? HAHAHA!" biglang tumayo at nagsalita yung isa kong kaklase. Tinuro niya ako tapos nagtatawanan na yung iba ko pang mga kaklase.

"Oo nga Janella bagay nga sayo!"

"Tama! Siya na lang yung mascot tutal mataba naman siya eh! Hahaha!"

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now