Chubby Ako - Entry #46

5.4K 147 74
                                    

ENTRY #46

Janella’s POV

**

Mabagal akong naglalakad sa hallway ng building kung nasaan yung room ko nang may nakita akong kumpulan ng mga estudyante sa may pintuan ng room na katabi ng room namin. Room nina Luke. Hindi naman sa pakikiusyoso pero.. parang ganun na rin >_< Sumilip din ako sa kumpulan ng mga estudyante. Hinanap ko kung ano yung pinagkakaguluhan nila. Well hindi pala ano, sino. Nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko. Si Luke, may black eye siya sa kaliwang mata tapos may band aid siya na nakadikit nang pahiga sa may nosebridge niya. Anyare dito? *kamot sa ulo*

Sinubukan kong pakinggan yung mga murmurs ng students pero lahat sila eh walang alam sa nangyari.

“Excuse me.”

Napausog ako at yung mga katabi ko nang may lalaking dali-dali pumasok sa loob ng room namin. Kaklase ko syempre. But the thing is, hindi ko lang siya kaklase. Si Kim yung dumaan—at may bandage na nakapulupot sa kanang kamay niya.

Anak ka ng nanay mo. Hindi kaya— jusko po.

**

“.. so I assume na by now, tapos na kayo sa write-ups niyo in preparation of the proposal defense next week.”

Hindi naman talaga ako nakikinig sa mga sinasabi ni Ma’am pero nung sinabi niya yan, bigla akong napadiretso ng tingin sa kanya. Tumingin ako kay Kim tsaka tumingin kay Ma’am ulit. Basta ang alam ko na lang, paulit-ulit ko nang sinasabi sa sarili ko ang patay, patay, patay, patay, patay, patay.

Paano na kaya ‘to? Yung partner ko may sugat na nga sa kamay galit pa sa’kin. Nakuu naman Janella! Kakayanin ko bang mag-isa? Eh kahit naman hindi, dapat kayanin ko pa rin eh. T__T Jusko bahala na nga! *sign of the cross*

“Mr. Salvador, what happened to your arm?” Akala ko ako yung tinatawag ni Ma’am kaya napatingin ako sa kanya, si Kim pala. Salavador eh. -__-

“May sinun—Ah wala po Ma’am, mali yung pagkahila ko nang cabinet kahapon, nabali ata yung ilang daliri ko.” Binigyan niya ng isang convincing na ngiti si Ma’am at ang lahat ng mga kaklase namin. Well lahat naman na-convince sa reason niya. Lahat.. except sa’kin.

-

Lunchbreak na at naglalakad ako sa corridor papunta sa cafeteria. Marami akong nakakasalubong na mga estudyante na magkakasama—nagkwekwentuhan, nagtatawanan, nag-aasaran. Hays. T_T All these years, ngayon lang nagsink in sa’kin na forever alone pala ako ‘no? Wala man lang akong girl bestfriend. Boy bestfriend sana meron kaso.. wala rin. Haaaay. T_T

Pagpasok ko sa cafeteria, ayun at nagkukumpulan na naman ang mga estudyante malapit sa table ni Luke. Ini-interview ata nila si Luke about sa mga pasa niya. Naghanap na ako ng mauupuan, at sakto naman na nadaanan ko yung kumpulan ng mga estudyante doon. Sinadya kong maglakad nang mabagal para marinig ko yung mga sinasabi nila. Ang tsismosa Janella. >___<v

“Wala siyang sinasabi e.”

“Sino raw ba? Student din dito sa EHS?”

“Ewan. Basta ang sabi niya lang eh kasalanan niya raw.”

“At hindi raw kasi siya tumupad sa promise!”

“At tumigil na raw kayo kasi ang t’tsismoso niyo.” Natawa ako nang marinig ko yang sinabi ng kaibigan ni Luke. Napatigil naman niya yung mga nang-uusyoso. ^__^v

Naupo na rin ako sa nahanap kong upuan. Hayst. Mag-isa na naman ulit, Janella. Waaa! T___T Binilisan ko na lang yung pagkain ko para makabalik na rin agad sa room.

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now