Chubby Ako - Entry #8 (Part 1)

27.1K 168 48
                                    

ENTRY #8


A/N: Baka pagkatapos ng entry #9, limang updates ang ipupublish ko at once. Mawawala ako ng one month eh. Hahaha. Baka lang naman. Ang plano ko kasi, ten entries lang 'to kaso napahaba na kaya pangatawanan na lang xD Ang mga characters po na nasa right ay suggested lahat ni @allenshayne. Salamat!! ^o^ Dedicated this to @lovelikewoe17 Enjoy reading! :)


Aaaand. Please also try reading my other story --> Lovestoned. Thank you. :**

----

Janella's POV

Grabe. Casanova raw si Kim Stefano? IMPOSIBLE. Eh ang bait-bait kaya ng taong yun! Suplado nga lang siya ngayon for some unknown reasons pero mabait siya!!

Kaso.. base sa mga sinabi ni Drew. HAY. Ang lakas ng epekto sa akin eh. Yun bang kahit ayokong maniwala.. napaniniwala ako.

Naiilang tuloy ako kay Kim.

Kaya nung nakaalis na si Drew, hindi ako bumalik sa bahay nila Kim. Instead, napadpad ako sa isang basketball court. Bumili ako ng maraming piattos at kumain ng kumain habang pinapanood yung mga naglalaro ng basketball.

Iniisip ko kung paano ko kakausapin si Kim. Iniisip ko kung paano ko itatanong sakanya kung totoo yung mga sinabi ni Drew. Hays. ~_~

Hawak-hawak ko pa pala yung invitation na ibinigay sa akin ni Drew. Sa Sabado na raw 'to eh. Pupunta ba ako? Masquerade raw. Eh anong susuotin ko? Ayoko magdress!! Naiilang ako kapag ganun. Mas okay na sa akin ang shirt at jeans. Pero party nga yun Janella diba?

WAAAAAAA! /@____@\ Iniisip ko pa nga lang kung anong isusuot ko, naloloka na ako, eh pano pa kung yung tungkol kay Kim? Jusmiyo Lord!

Kumain lang ako ng kumain hanggang sa makaisip ako ng idea. :D Alam ko na kung anong gagawin ko sa problema kong 'to!!!

Joke. Hindi ko alam. TT__TT

Basta kelangan kong itanong kay Kim kung totoo yung mga sinabi ni Drew. Ang problema lang eh kung paano ko i-oopen ang topic. Hmm. Siguro pa-segue-segue lang. TAMA! Mwahahaha! Ganun ang gagawin ko. (~^o^~)

Tumayo na ako kasi nakaupo ako sa bleachers. Itatapon ko na sana yung mga wrappers ng pinagkainan ko kaso...

....

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now