Chubby Ako - Entry #40

13.3K 98 96
                                    

Note: Update on Wednesday. Promise.

ENTRY #40

Janella's POV

**


"Tubig?" inalok niya sa akin yung binili niyang mineral water at kinuha ko naman yon.

"Salamat!" binuksan ko agad yung bote tsaka uminom ng uminom. Whew! Ang init ng panahon!

Umupo si Luke sa tabi ko. In-occupy namin yung dalawang vacant chairs dito sa quadrangle kasi katatapos pa lang ng practice para sa JS Prom. Akalain niyong kami pa ang pinagbuhat ng mga mono block chairs para i-assemble dito sa quadrangle. ~____~ Tapos pinagpractice pa kami ng proper entrance daw at kung anu-ano pang ka-ek-ekan. Sabay na papasok ang isang pair na boy-girl tapos maglalakad papunta sa designated seats nila. And guess what?

Hindi si Luke ang partner ko.. Pero siya ang date ko. *behlat face* There's a difference guys. Yung partner ko, mas maliit siya sa akin. Kaya err.. uhm.. awkward kapag naglalakad kami sa center aisle. Tapos kelangan pang magkatabi talaga kami habang naglalakad. Awkward. -________-

"Kinakabahan ka na ba sa Prom?" tanong sa akin ni Luke habang pinupunasan niya yung pawisan niyang noo tsaka leeg. Gawd. *U*

"Hmm.. ayos lang naman. Bakit? May dapat ba akong kabahan?" sagot ko sa kanya. Natawa siya ng konti  sa sagot ko.

"Kasi, first time mong um-attend diba?"

"Oo nga 'no? Diba isang simple gathering lang naman ang Prom? Wala namang masyadong kacornihan na magaganap?"

"Hmm.." tinago niya na yung panyong hawak niya sa bulsa niya. "Syempre may opening program, but the best part is, yung open dancefloor. You can dance with someone." he smiled.

Oh. That made me nervous. "Uhm.. kelangan ba talagang sumayaw?"

"Hindi naman compulsary. Pero kapag hindi ka naki-join, you'll miss the real value of JS Proms.." ngumiti siya ulit. Kaypayn. As if naman slow music ang ipeplay diba? Siguro mga party party songs yan.

Tumango ako kay Luke tsaka ngumiti at nanahimik kami pareho. Pareho kasi kami pagod. Kulang nga sa akin yung isang bote ng tubig eh. =_________= Inikot-ikot ko yung tingin ko tapos.. nakita ko si Kim.

K. Matagal na kaming nag-iiwasan and I don't know what the reason is. Basta hindi na kami nag-uusap masyado. Kung oo man, about schoolworks lang. Aba ewan, people change. And you bet..

I miss him.

Hmm, alam niyo ang tawag kapag bumibilis bigla ang tibok ng puso niyo, yung tyan niyo inaabnormal, tapos pinagpapawisan yung mga palad niyo? Love ba kamo? Hindi 'no! Call of nature ang tawag dyan!

Pero bakit nararamdaman ko yan minsan kapag nakikita ko si Kim? Parang replay nga eh. Pero mas kabog ang take two. Kasi naramdaman ko rin 'to dati kay Luke. Yun bang mapapatingin ka bigla sa kanya tapos makikita mong ngumingiti siya, biglang mags'slowmo ang paligid tas bigla siyang magf'flip ng hair tapos.. *U* well you get my point. It happens all the time. Kaso kay Kim.. iba. Yun bang lalapit pa lang siya lalayo na ako kasi.. HINDI KO NGA ALAM!

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now