Chubby Ako - Entry #31

17.4K 134 85
                                    

ENTRY #31

A/N: Sorry sa matagal na update. Nahihirapan kasi ako kapag mej mabigat yung mangyayari eh. Haha. ^_______^v Dedicated to heeeer.

xxx-xxx-xxx

Janella's POV

Nakatingin lang ako ng masama sa kapatid ko habang kumakain kaming tatlo ng breakfast. Kapag sinusubo ko nga yung kanin eh parang gusto kong ibuga pabalik sa kanya. -____- "Mama oh! Yan pong si Josh eh pinakialamanan yung cellphone ko. Na-block tuloy yung sim card kaka-try ng password nun!" sabi ko kay Mama pero nakatingin ako kay Josh na mukhang walang pakialam sa mundo. Tinuro ko pa siya gamit ang tinidor ko nun.

"Hindi ka pa ba nasanay dyan sa kapatid mo?" tumigil sa pag kain si Mama. "Bumili ka na lang ng bagong sim, may pera ka naman siguro.." kumain ulit siya. Tinignan ko naman si Josh at nakita ko na ngumiti siya, patagong ngiting tagumpay.

Aaaah! Nakakainis! Eto ang ayaw ko kay Mama eh! Masyado siyang fair! Yun bang walang pinapanigan? Wala tuloy akong mahanap na kakampi. T__T Yung sim ko!! Nandun pa naman lahat ng contacts ko tapos wala akong copy nun! Uhh. Bwisit ka Josh Salvador!

Kumain na lang ako ulit pero nung maalala ko yung nangyari kagabi, napatingin ako kay Mama at napatigil sa pag kain. "Nga pala mama, bakit pala ang sungit mo kay Luke kagabi?" uminom ako ng tubig tsaka tumingin ulit kay Mama pero nabigla ako kasi natawa siya. And my face was like - o.O?

"Mama? Ayos ka lang?"

"Oo, ayos lang ako." tapos nagseryoso na yung mukha niya. "Nakakatuwa rin yung batang 'yun, ang gandang pagtrip-an diba?" medyo natawa siya ulit.

"MAMA!! Pinagtrip-an mo lang si Luke kagabi?" napa-nganga ako sa reason ni Mama. As in. Ang childish kaya nun!

"Bakit? May problema ba? Syempre gusto ko munang kilatisin yun 'no. Kailangan makita niya muna yung isang side ko bago yung isang side ko." 

"Mama, hindi ko gets."

"Kung gusto mong malaman kung hanggang saan ang kayang gawin ng isang tao para sayo, ipakita mo sa kanya yung masamang side mo, kung gusto niya talagang manatili sa tabi mo, matatanggap niya yun."

Ayoko na kumain. Hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi ni Mama. Nakaka-migraine! "Mama, hindi ko pa rin gets. Parang ang layo naman sa topic?" tumayo na ako tsaka dinala yung pinagkainan ko sa lababo. "Ahh ma, uuwi pala ako mamayang hapon pa."

"Bakit, may date ka?" medyo mabibitawan ko sana yung toothpaste na hawak ko sa natanong ni Mama.

"MAMA TALAGA! Wala po!"

Sabado kasi ngayon. Syempre kelangan ko na naman magtutor. Nakakapagod na nga eh. Parang ayoko na.. kaso si Ma'am eh. Tsk! Tapos mamayang hapon, magkikita kami ni Luke. Bakit? Tutor din. Last session na nga ito eh. Nakakalungkot naman. T__T JOKE! Masaya nga eh, free na ang Saturday afternoon ko.

Pagkatapos kong mag-almusal, diretso na ako sa school. Baka kasi ma-late na naman ako. Hmm. Naalala ko nung unang beses kong ma-late, game na game na ako magturo tapos biglang may estudyante na papasok sa room at hinahanap daw ako. Haaay. Ba't ba nakakakilig isipin na mahal na ako ng estudyanteng yun? :">

Nung dumating ako sa school, as usual, binati ko si Manong Guard na medyo nakaaway ko dati dahil sa oras. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa room.

Haaay. Apat na oras na naman akong magsasalita. Kaya 'to!

---

"Bakit pala dito mo gusto magpatutor? Ang weird ah." kinuha ko yung libro ko tsaka sinimulang hanapin yung topic. Nandito kami sa isang Pavillion dito sa park. Ewan ko dito sa katabi ko. Dito niya raw gusto eh.

Chubby Ako. (on-going)Where stories live. Discover now