Dahan dahan pa syang lumapit lalo sa akin. Kusa ko na syang sinunggaban ng yakap dahil kailangan ko na ng masasandalan. Heto nanaman at pakiramdam ko ay bibigay ang tuhod ko.

"Kung kaya ko lang maniwala agad! Kung kaya ko lang na magtiwala ulit! Kung kaya ko lang kalimutan nalang lahat, Magiging maayos naman diba? Kung kaya ko lang talaga... Kaso hindi! Nahihirapan ako!"

"It's just because you've been through a lot. I thought ako na yung taong magpapasaya talaga sayo! Yung magagawa ka laging pangitiin! I thought what we've been starting is a new beginning--" Kumalas ako ng yakap at hinarap sya.

"It is! Kaso it just looks like it has to end, kaagad!"

* * *

Wala ako sa ulirat habang naglalakad papalapit sa bahay namin. Gusto kong makita si Mama kaya dito na 'ko dumeretcho. I need her. I just want to see her kasi pakiramdam ko na kapag nakita ko sya, kahit papaano ay magiging ok na ako.

Mukhang walang tao sa bahay. Tahimik at iilang ilaw lang ang bukas. Dumeretcho nalang muna ako sa kwarto pero mukhang mali ako. May tao pala.

"Uhm... Sorry anak! Hindi ko naman ginulo!"

"Why are you in my room? What do you need?" Walang emosyon kong tanong.

"Hindi! Wala naman! Tinitignan ko lang yung mga gamit mo. Promise wala akong hinawakan kahit isa!"

Hindi ako sumagot at basta dumeretcho ng upo sa kama. Nilingon ko si Papa na hindi pala inaalis ang tingin sa akin.

"Ay! Sorry! Sige lalabas na ko." Saktong nasa pintuan sya ng agad akong magsalita.

"Bakit mo yun ginawa?" Tanong ko dahilan pra matigilan sya.

"H-huh?"

"Bakit mo ko iniwan? Bakit mo ko sinaktan? Bakit mo ko pinabayaan? Bakit?"

"Isay... Anak, kayang kaya kong magpaliwanag sayo pero sa itchura mo ngayon, mukhang hindi ito ang tamang oras--"

"No! This is the right time! Kahit man lang sana isa sa mga problema ko maayos na! Please, just answer me! Ayoko ng magtanong sa hangin kung bakit mo ko iniwan tapos bumalik ka ng ganun ganun nalang!"

Naupo sya sa binti nya para mapantayan nya ako. Hindi ko naman inaalis ang mga tingin ko sakanya. Hindi nga ako nananaginip. Talagang bumalik na ang Papa ko. Wala halos pinagbago ang itchura nya. Para lang akong nananalamin.

Kinuha nya ang dalawa kong kamay na nakapatong lang sa hita ko. Hindi ko mapigilang maiyak ng hawakan nya iyon na para bang nananabik sya sa anak nya. Nagtatama ang mga mata namin at kita ko ang namumuong luha sa gilid ng mga mata nya.

"I can't bare to see you and your mom suffer by taking care of me. You see anak, noon pa man ay may sakit na 'ko sa puso. Wala na namang nangyayari eh. Akala ko ok na ko! Nung una, ng malaman ng mama mo, ayos lang daw! Wag daw akong mag alala dahil aalagaan nya raw ako. Pero kaya ko ba yun? Yung makita na papasanin nya lahat ng responsibilidad habang ako, inutil?"

Kusang kumunot ang noo ko. Is he telling the truth? O gumagawa lang sya ng kwento para maawa ako at magkaayos kami? Here i'am again with my doubts and suspicion.

"Kaya ng sinabi ng Lolo mo na sya ang bahala sainyong dalawa ng Mama mo, i grabbed the opportunity para lumabas ng bansa at doon magpagamot."

"Pero ganun katagal? You left me when i was 6! 20 na ko ngayon! Ano 'to? Joke?"

"Isay, i came back after 5years. Pero pinigilan na ako ni Papa na makipagkita sayo. Masyado raw malaki ang galit mo sa akin. Nung mga panahong iyon, lagi ka raw nagkukulong. Hindi ka nakikipagusap kahit kanino. Masyado silang nagaalala sayo at ganun rin ako kaya mas pinili kong sundin sila at lumayo nalang!" He paused for a bit dahil sa di na nya mapigil na pagiyak.

"Laging sa malayo, sa malayo lang kita nakikita! Sa malayo lang kita nababantayan! Nakita ko ang pagdadalaga mo. Bawat araw paganda ka ng paganda! Nalalaman ko rin ang mga grado mo. Matalino kang bata kaya proud na proud ako sayo!"

He was here the whole time? Nung mga panahong akala ko nagpakalayo na sya sa amin ay nandito lang pala sya sa paligid? This is just plain stupid!

"Gustong gusto kitang lapitan noon, anak! Pero natatakot ako na hindi mo ko matanggap. Na baka sumbatan mo ko! Wala naman kasi akong magagawa kung ganun ang gawin mo dahil napakalaki ng kasalanan ko sainyo! Pero, anak! Ginawa ko lang yung tingin ko noon na tama! Sorry! Sorry, Eleissa!"

Unti unti kong nilapitan ang Papa ko at niyakap sya. Totoong malaki ang galit ko sakanya. Sya ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon. Nalilito man ako sa nararamdaman ko ngayon pero aaminin ko rin naman na kahit gaano ko sya kinamumuhiam, inasam ko pa rin naman na makita sya.

I've always had an almost perfect family. Gusto ko na ng maayos na pamilya. Yung buo! Ngayon na hindi pa huli ang lahat, sino ako para magmatigas sa sarili kong magulang?

"Galit pa rin ako sayo! Pero kailangan ko talaga ng tatay ngayon eh! So favor lang, kung pwede ka, baka naman--"

"Isay, anak? Kahit kailan mo ko kailanganin, Nandito na si Papa! Hindi na ko aalis! Hindi na kita iiwan. You don't actually have to believe everything that i'm saying pero yan ang totoo."

Sabay kaming tumayo at niyakap ang isa't isa. I can still remember this feeling. Yung yakap nya. Itong yakap nya na nagpapakalma kaagad sa akin.

"Can i join?" Panay punas ako sa luha ko ng lingunin ko si Mama. I smiled at her at sya naman ay tumatango lang na para bang agree sya sa ginawa ko at ito ang tama.

"The two of the three most important ladies in my life. My queen and our one and only princess!"

"Sino po yung isa pa?"

"Syempre si Queen mother! Dapat sya ang una kaya sorry, kayo ay pangalawa at pangatlo lang!"

Nagtawanan lang kami at parang hirap na hirap humiwalay sa isa't isa. Inasam ko 'to! Pinangarap, hinangad. Ngayon an nandito na, somehow i felt complete.

Minsan pala kahit na anong laki ng galit mo sa isang tao, kahit na kamuhian mo pa sya, may pagkakataon na mas mangingibaw yung love. Maikli lang daw kasi ang buhay. Kung sakaling hindi gumaling si Papa, paniguradong habang buhay kong dadalhin sa dibdib ko ang pagsisisi na nagawa kong magalit sakanya.

Now that he's back and in good shape. I won't waste a single minute at ipapakita sakanya na kahit papaano ay sinusubukan kong maging maayos kami.

Hindi man agad-agad. Pero slowly but surely naman.

US2: Her Doubt [SPG]Where stories live. Discover now