Chapter 36: Downside

Start from the beginning
                                    

Nakita kong umupo siya at binuksan niya ang laptop na nasa tabi niya.

"May mga nasearch na ako kanina na pwede nating ilagay sa introdu--*ubo* *ubo*" Bigla na lang siyang inubo ng inubo kaya naman lumapit ako sa kanya habang hawak ang baso ng juice.

"Are you okay? Uminom ka muna." Sabi ko habang inaalalayan ko siya.

"S-Sorry, Kurt...Medyo masama kasi ang pakiramdam ko ehh." Sabi niya tapos uminom siya ng juice.

"Bakit di mo kaagad sinabi? You know what, magpahinga ka na lang. Next time na tayo gumawa ng project." Sabi ko at akma na sana akong aalis sa tabi niya pero hinila niya ang laylayan ng t-shirt ko.

"N-No! It's okay! Kaya ko pa naman." Binigyan niya ako ng isang nanghihinang ngiti. Shit naman oh! Bakit ba sa lahat ng anggulo kamukha niya si Bea?

"Are you sure?" Paninigurado ko at tango lang ang isinagot niya akin.

Bumalik ako sa kanina kong inuupuan at kinuha rin ang laptop ko. Nakita ko namang tumabi siya sa akin dala ang laptop niya.

"Wow, cute niyo naman ni Kelly!" Sabi niya nung makita ang desktop wallpaper ko.

"So...Paano natin sisimulan yung introduction?" Pagbabago ko ng topic, gusto ko nang matapos to para makauwi agad ako.

"Hmmm, eto tignan mo to..." Sabi niya habang pinapakita sa akin yung mga nasearch niya kanina.

Hindi ko talaga maiwasan na makita sa katauhan ni Pia si Bea. Parehas na parehas sila ng personality. Napakabubbly at cute ang image, palibhasa petite siya kaya parang bata. Parehas din sila ng trip, mahilig kasi manuod ng anime si Bea tapos kanina habang pinag-uusapan namin yung project bigla na lang isisingit ni Pia yung mga napanuod niya sa anime. Napakarandom niya! Paminsan-minsa'y ubo siya ng ubo pero sabi niya wala daw yun kaya di ko na lang pinapansin.

"Kurt, totoo ba yung balita?"

"Alin?"

"Hmmm, narinig ko lang sa iba nating kabatch...Totoo ba na ikakasal na kayo ni Kelly?" Curious niyang tanong.

"Oo, totoo yun."

"Talaga?! Kelan?!"

"Next month."

"Wow! Ang galing naman! Alam mo ba, kwinento lang sa akin nila Hansel yung tungkol sa Search for the Bride! Grabe! Ang swerte ni Kelly no? Siya napili mo! Invited ba ako sa kasal?" Teka, invited nga ba siya? Hindi ko pa naitatanong kay Kelly yun ehh.

"Uhh..Oo." Sagot ko. Ang awkward naman kasi kung sasabihin kong hindi. Baka maooffend siya.

"Yeheeeey!!!" Masaya niyang sabi. Para talaga siyang bata.

After nun ay ipinagpatuloy na lang namin ang paggawa ng introduction, hindi ko pa nga pala naitetext si Kelly na nandito na ako kaya kinuha ko yung phone ko para magtext.

The Search for the Bride (Complete)Where stories live. Discover now