Chapter 29: Pagbisita

Start from the beginning
                                    

Hinaplos nya ang pisngi ko at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Naramdaman ko ang paghalik nya sa aking noo. Nang muli syang humarap sa akin ay binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti.

"How are you feeling, reyna ko?" Nag-aalala nyang tanong sa akin.

Imbes na sagutin ko ang tanong nya ay mas pinili kong tanungin sya. "What happened? Bakit tayo nandito sa ospital?" Tanong ko sa kanya gamit ang mahinang boses.

Hinawakan nya ang kamay ko bago sumagot, "Inatake ka, reyna ko. And its my fault. Kung hindi ko ginawa yung ginawa ko kanina, hindi ka magkakaganito. I'm sorry, my queen." Sabi nya sa akin.

Inangat ko ang kanan kong kamay at hinaplos ang kanyang pisngi. "Its okay, Kristoff. I understand. You just really miss her. And I'm fine, no need to worry." Nakangiti kong sagot sa kanya.

Inilapit nya ang kamay ko na hawak-hawak nya sa kanyang labi at hinalikan ito. Pareho kaming lumingon ni Kristoff nang bumukas ang pinto at niluwa nito ang aking pamilya.

"Mommy.." Pagtawag ko sa aking ina na halatang umiyak. Lumapit naman sya sa akin at maingat na niyakap ako.

"Mommy I'm fine. Stop crying, please?" Sabi ko sa kanya nang marinig ko ang paghikbi nya. I really don't wanna see my mom cry. It feels like, I want to cry with her.

Humarap sya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi bago ako ningitian. Ganyan dapat. I wanna see her smiling face.

"Macey anak. Nakausap na namin ang doktor. Maaari ka nang lumabas dito sa ospital." Maya-maya ay sinabi ni butler John.

Tinignan ko sya bago ako nagsalita, "Talaga po butler John? Yehey! I don't want to stay here. Mas gusto ko sa mansyon." Sabi ko sa kanya.

Tinawanan naman nila ako at syempre, nangunguna doon ang mga kaibigan ko. Tinignan ko sila at sinimangutan. "Angels pinagtatawanan nyo ko?" Seryosong tanong ko sa kanila.

"Our Queen Angel is back." Tanging komento nila.

Kinabukasan ay maaga akong nakaalis sa ospital. Nang makarating kami sa mansyon ay may nakita kaming naghihintay sa labas ng gate.

Bumaba si butler John upang alamin kung sino ang aming bisita. Wala naman kaming inaasahang bisita ngayon kaya nakakapagtaka. Maya-maya naman ay bumaba rin sa kotse ang aking ina at sinundan si butler John.

Sumilip ako sa bintana ng kotse at mula rito ay kitang-kita ko ang galit na mukha nina mommy. Hindi ko makita kung sino ang kausap nila kaya naman bumaba ako sa kotse at lumapit sa kanila. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Kristoff.

"Mommy?" Pagtawag ko sa aking ina. Mukha naman syang nagulat nang makita ako.

"What are you doing here? Bumalik ka sa loob ng kotse." Utos nya sa akin ngunit hindi ko sya sinunod bagkus ay nagsalita ako at hindi pinansin ang kanyang sinabi.

"Mukhang may problema po kayo sa kausap nyo. Gusto ko lang pong malaman kung sino sila." Sabi ko bago ko tinignan ang mga tao sa loob ng kotseng kaharap namin.

Nakita ko roon ang pagkakapatid na Reyes kasama ang kanilang ama na si Miguel Reyes. Nang makita ko sila ay naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko. Mula dito sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang pag-aalala nila.

Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kanilang kotse at lumabas ang isang dalaga. Nang tuluyan syang nakalabas ay sinalubong nya ako ng yakap.

"Ate Macey!" Pagtawag nya sa akin kasabay ng paghigpit ng kanyang yakap sa akin na tila kay tagal naming nagkawalay.

Bumitaw sya sa yakap at hinarap ako. "Ate Macey ikaw nga! Miss na kita ate Macey ko." Sabi nya habang unti-unting tumutulo ang kanyang mga luha.

Kahit na nanginginig ang mga kamay ko ay nagawa ko pa ring hawakan ang magkabila nyang pisngi at punasin ang mga luhang naglandas doon.

"Stop crying Nicole. Nababawasan ang ka-cutan mo kapag umiiyak ka." I always say this to her kapag nakikita ko syang umiiyak noon.

Ngumiti naman sya sa akin bago ako muling yakapin. Samantala, nilingon ko naman sina mommy at ningitian upang ipaabot na ayos lang ako.

Lumapit sa amin si mommy at hinawakan sa braso ai Nicole. Akala ko ay magagalit sya ngunit nakangiti syang nakatingin sa dalagang nakayakap sa akin.

"Pasok tayo sa loob, Nicole. Malamig dito sa labas baka sipunin kayo." Sabi nya rito kaya kumalas sa yakap sa akin si Nicole.

Hinawakan ko naman ang kanan nyang kamay at hinila papasok sa aming tahanan. Hindi ko na nilingon ang mga kasama nyang pumunta dito. Ang mahalaga ay si Nicole.

###

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now