Chapter 60

1.3K 40 116
                                    


M I K A

"Mahal... mahal wake up please." rinig kong sabi ng asawa ko.

"Babe gising na." muli nitong sabi.

"Hmm?" sagot ko at narinig ko na napabuntong hininga ito. "I'm pretty much alive babe." sabi ko at hinila siya papalapit sa akin at niyakap.

"Good morning to you my beautiful wife." saad ko kahit nakapikit pa.

"Good morning babe." malambing nitong tugon at humalik sa pisngi ko.

She's been like this since then. Kung noon, may times na sweet siya, ngayon naman super sweet niya everyday. And everyday she wakes me, ensuring na buhay pa ako. We'll never know when my sickness will betray me diba.

"I cooked for you." sabi nito at yumakap sa akin.

"Talaga? Ikaw talaga nagluto?" natatawa kong tanong.

"Oo naman! Itanong mo pa kay manang." defensive niyang sagot kaya natawa na lang din ako at bumangon na.

Luckily, my sight did not deteriorate fast kaya nakikita ko pa ang asawa kong dyosa at ang mga chikiting namin.

"Good morning sa mga babies kong matataba." sabi ko at isa isang pinanggigilan ang mga pisngi nila kaya pinalo ako ni Rad.

"Lumawlaw lang pisngi niyan, sasamain ka sa akin." sungit ni misis.

Tinulungan ko na siyang maghain at pinakain ko na din si Rika na napakatakaw. Bigla naman akong naluha nang ilagay ni Rika ang dalawa niyang kamay sa mukha ko at hinimas himas ang pisngi ko.

"Labyuuuu mimi." sabi nito at ngumuso.

"Labyu too princess." sagot ko at humalik sa kanya.

"Psst." sitsit ni Rad at ngumuso din kaya natawa ako.

"Selosa naman po. Maya ka na." sagot ko at binelatan siya.

"Damot." Napailing na lang ako at muli ng pinakain ang aming prinsesa.

"Si Mael pala?" tanong ko dahil sabado naman ngayon at walang pasok.

"Present!" biglang sulpot nito at inabutan ng pulang rosas ang mama niya saka ako inabutan ng puti.

"Sweet naman ni kuya. Kain na." sabi ko sabay giya ko ng upuan para sa kanya.

"Mi, date tayo." sabi niya sa akin.

"Paalam ka muna kay mama mo, selosa yan eh." sagot ko at nakaramdam na lang ako ng kung ano sa ulo ko. Hanep talaga tong misis ko.

Umakto naman ako na sumakit ang ulo ko kaya dali dali siyang tumakbo papunta sa akin at alalang alala naman ang bruha. Baliw din diba?

"Joke lang babe. I love you." sagot ko at kinandong siya. "Date muna kami ni Mael?"

"Babe naman..."

Bakas sa mukha niya ang pag aalala kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit.

"Please mama." sabi ni Mael.

"Osige na. Mael bantayan mo yang mimi mo ha, chickgirl yan eh." sabi nito at natawa na lang ako saka siya kiniliti.

"Mimi." sabay akto ni Rika na nagpapabuhat. Pati naman ang kambal ay nagpabuhat din sa akin.

Oh ano na? Kaya ko ba silang tatlo? Di ako nagweweights mga anak. Lalong wala akong balak magweights.

Pinahiran naman ako ni Ryco ng laway, ang bait bait naman talaga. As much as I wanted na isama sila ngayon ay hindi maaari. Mas gusto kong makausap si Mael ng masinsinan.

Beauty and the KnightWhere stories live. Discover now