Chapter 8

1.8K 55 35
                                    


*******************
A little protective
*******************

M I K A

Hindi ko alam kung anong nakain ko kagabi o kung anong nangyari pero parang ang saya saya ko. Kakagising ko pa lang naman pero parang kumpleto na yung araw ko.

Nagsaing na ako at nagsimula na din mag gisa ng sibuyas para sa corned beef.

"Only know you've been high when you're feeling low, only miss the sun when it starts to snow and only know you love her when you let her go." pag kanta ko.

"Ay ang galing naman pala kumanta." biglang sabi sa may likuran ko kaya napahawak ako sa dibdib ko, nakakagulat naman kasi. Hinarap ko naman siya.

"Good morning." nakangiti niyang bati sa akin.

"Good morning din. Upo ka na ho mahal na reyna."

"Kamusta na kayo ni Den?" tanong niya.

"Ha?"

"I mean kayo, I know your past."

"Wow, ang alam ko yung sibuyas ang ginigisa, hindi ako." saad ko na ikinatawa niya.

"Kwento ka naman."

"Ayoko, baka asarin mo lang ako." sabay irap ko habang nakaharap na sa niluluto ko.

Itinuloy ko na ang pagluluto at nang matapos ay naghain na ako, kaya pala hindi sumagot ang hilaw na german ay nakaidlip sa lamesa. Kinalabit ko naman siya para makakain na.

"Kwento ka na, anong feeling maipagpalit?" nakakatangang tanong niya.

"Ay sobrang saya! As in ang saya saya ko." sarkastiko kong sagot, hello? matic na yun.

"Dali na."

"Syempre masakit, ikaw kaya try mo."

"Ha! Ako? Ipagpapalit? Sa ganda kong to?" umiral nanaman pagiging mahangin niya kaya humawak ako sa upuan, baka tangayin ako eh.

"Teka, kape gusto mo? Para kabahan ka naman sa mga pinagsasasabi mo." tugon ko sa kanya.

"Bakit? Kapalit palit ba ako?"

"Eh si Liza nga pinagpalit sa isang gabi ng ligaya diba, tayo pa kaya?" biro ko. "Pero depende naman kasi, meron naman talaga pinagpapalit sa mas maganda, pero meron din pinagpapalit sa MAS MAHAL" at ngumiti ako ng pilit.

Natahimik kami saglit, pero maigi na din yun. Ayoko naman na pag usapan yun. Nang matapos siya kumain, nagsimula nanaman siyang magdaldal.

"Nakamove on ka na?" tanong niya na ikinatawa ko.

"Nung gabing pumunta si Ara, nakapag let go na ako, and I think yun lang din ang kailangan ko. I'm fine."

Tumango tango na lang siya at nagtungo ng cr para maligo. Sumunod na din ako after. Nang makatapos naman ako ay naabutan ko pa siya sa salas.

"Oh? Bat di ka pa umaalis?" tanong ko.

"Sabay na tayo pumasok." at nginitian niya ako.

Beauty and the KnightTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang