Chapter 16

1.7K 47 23
                                    


******************
Meeting the
special someone
******************

R A C H E L

3 araw mula nang mag firefly seeing kami, tuluyan na din natapos ang semester.

"Nakatingin ka nanaman sa abs ko." saad ni Mika dahilan para tignan ko siya ng masama at taasan ng kilay.

"Talaga ba? Saan banda? Baby tabs lang nakikita ko." at inirapan ko siya.

"Nahiya pa umamin."

"Alam mo, hindi mo naman ako yaya, pero hindi ko alam kung bakit kita tinutulungan sa paliligo mo." masungit kong saad sa kanya.

Wag kayong ano, nakadamit siya habang naliligo, isa pa tinutulungan ko lang siya magshampoo.

Lumabas na din ako after kong banlawan yung buhok niya at nagluto na ng makakain namin. Sembreak na kaya wala kaming work for 1 week sa coffee shop.

"Queeny, uuwi ako ng Bulacan, ikaw ba? Anong plano mo?" tanong niya nang makababa siya.

"Dito lang siguro ako baby tams, ayokong umuwi sa amin." malungkot kong tugon.

"Bakit?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

Napatitig ako sa kanya, ang hot ng wet look ng isang Mika Reyes, messy hair plus her gray contacts makes her even more hotter, fan girls are dooling over this kaya pinicturan ko siya.

"Huy bat mo ko pinipicturan? Crush mo ako noh?" bintang niya kaya natawa ako.

"Hindi, regalo ko lang sa mga fans mo, baka sakaling di na nila ako awayin hahaha." sagot ko.

"Sus, if I know baka i-wallpaper mo yan."

"Saan ka kumukuha ng confidence mo ngayon ha Reyes?"

"Sa'yo" sagot niya at kinindatan pa ako, ang landi naman.

Pinaupo ko na siya at ipinaghain, syempre sinubuan ko na din, nakakaawa naman eh.

"Ano nga? Dito ka lang sa dorm? Malulungkot ka kasi wala ako." mayabang niyang saad.

"Dito lang ako."

"Balita ko may bagyo, alam mo naman pag may bagyo diba? May kulog, kidlat tsaka ---" hindi ko na siya pinataapos sa pagsasalita niya at isinubo na lang ang laman ng kutsara.

"Oo na, sabi ko nga sasama ako sayo kahit di mo ako niyayaya eh." wala sa loob kong pagpayag.

"Hahahaha! Mag impake ka na, yung pang one week lang ha, babalik naman din tayo agad."

"Oo na."

After ko maghugas ng pinagkainan namin ay nag impake na din ako. Nagtungo din kami ni Mika sa hospital para matanggal yung cast niya, maigi naman pero nag advise si Doc na mag sling muna siya kahit 3 days then pahinga ng one month. Bawal pa siya magtraining na kailangan ang shoulder movements.

"Alam ba ng mommy mo na darating tayo?" tanong ko kay Mika nang makaupo na kami sa bus.

"Hindi eh, surprise. Uso naman surprise sa bahay eh haha." sagot niya, baliw talaga.

Sumandal muna ako sa balikat niya para matulog, ayaw niya paawat na siya sa window side eh, parang bata, kala mo naman kinacute niya.

"Queeny, gising na." rinig kong sabi ni Mika, malapit na daw kami.

"Ngayon pa lang humihingi na ako ng pasensya Rad, baliw kasi mga tao sa bahay eh." kamot ulo niyang sabi.

Beauty and the KnightWhere stories live. Discover now