Chapter 54 w/ *ChenElyn*

1.5K 39 50
                                    


J O V S

Nagmamadali ako papunta sa restau ko nang may biglang tumawid na aso, making me press the break hard, then I heard something crash behind me.

Agad naman akong bumaba at nadismaya sa nakita, kawawa naman yung kotse ko.

"Oh my ghad, I'm sorry." napalingon naman ako agad sa nakabunggo sa akin dahil familiar yung boses nito.

"Gretch ikaw pala yan." para bang biglang nawala yung inis ko sa nangyari.

"Hala Jovs I'm really sorry. Bigla ka kasing prumeno, I was texting eh. Yeah I know kasalanan ko." at saka ito ngumiti habang kumakamot sa ulo niya dahilan para mawala ang mata nito.

"It's fine. Kotse lang yan, napapaayos naman." nakangiti kong sagot.

Anong kotse lang yan Jovelyn ha? Ang mahal mahal magpaayos ng kotse tapos nginitian ka lang okay na? Bayad na? Woooow.

I shrug my thoughts off, yeah kotse lang yan.

"Iba talaga pag bigtime." sabay suntok nito sa braso ko ng mahina.

"Libre mo na lang ako." sabi ko. But that was another way of saying Can you stay with me kahit saglit pa?

She looked at her watch, oo nga pala, busy din siyang tao.

"I wouldn't mind kung tatanggi ka, I know how busy you are. Maybe next time." dagdag ko. But that was a lie. I wanted to spend some time with her.

"Wait lang." then she smiled, feeling ko natutunaw yung puso ko everytime she smiles.

She grabbed her phone at may tinawagan. Nagulat naman ako nang ipacancel niya yung next appointment niya.

"So where are we going?" tanong niya.

"Uhm sa ano... uhm." fudge hindi ako prepared. "Wait bakit sinabi mong emergency? Pwede naman next time na lang eh."

"Emergency happens when something unexpectedly came up diba? Well... someone important unexpectedly came up, and I think I couldn't let that someone pass this time."

That made my heart flutter. Gosh, gusto ng kumawala ng puso ko sa kilig dahil sa sinabi niya.

"Huy, ano na? Saan tayo?"

"Hassle kung dalawang kotse dadalhin natin, iwan na lang muna natin yung isa sa restau?"

"Okay." nakangiti nitong tugon.

Yung kotse niya ang iniwan namin, nagpunta lang kami sa isang food park at triny halos lahat ng pagkain dun.

"Prinsesa ka nga ng tikim." natatawa kong biro ang lupit ng tyan niya ha.

"Hey stop teasing me" nakapout niyang reklamo.

"Maiba ako, pupunta ka sa kasal ni Yeye?" tanong ko.

"Kung iimbitahan nila ako eh why not." nakangiti nitong tugon.

"Mukhang nakamove on ka na ah."

Beauty and the KnightWhere stories live. Discover now