Chapter 32 w/ *JiBea*

1.6K 44 135
                                    


*****************
Valentine's Day
*****************

M I K A

Madidischarge na ako bukas at nang masettle na ni mommy ang account namin dito ay pinauwi ko na siya, syempre walang mag aalaga sa mga kapatid ko. Nangako naman akong aalagaan ko ang sarili ko para hindi na siya mag alala.

Kabilin bilinan ng doctor na bawal muna ako sobrang mapagod, so no intense training for 2 weeks para makarecover muna ang katawan ko. Medyo namayat ako ng kaunti kaya naman itong babaeng nasa harap ko ay dinalhan ako ng isang katutak na pagkain.

"Captain, tagal naman ng 2 weeks. Gusto ko na makipag one on one sayo."

"Soon, tiis ka muna. Di ko masasabing mananalo na ako sa next pero I'll do better."

"Promise?"

"Promise."

Pinagbalat naman niya ako ng apple at inislice na din ito. Maganda din yung ganito kasi libre at madaming foods tho medyo malaki naman yung binayaran sa hospital. Nakaupo siya ngayon sa may paanan ko at nagsway ng paa.

"Kamusta naman ang puso mo? Ninja ka din eh. Pag wala jowa nagpapalambing ka." naguilty naman ako sa sinabi niya.

"Masama ba ako sa ginagawa ko?"

"Depende. Ano bang intention mo?" tanong niya.

"Hindi ko naman gustong agawin. Masaya lang talaga ako pag kasama ko si Rad. Hindi naman din ako nagbibigay motibo." malungkot kong tugon. "Isa pa moving on na talaga ako pagkalabas ko dito."

"Promise?" tanong niya.

"Promise totoo na to." natatawa kong sagot.

"Malapit na valentines ah." paalala niya kaya nalugmok nanaman ako.

Nalungkot naman ako bigla, lahat ng kaibigan ko may kadate ata. Ako lang wala. I-date ko na lang kaya 'tong singkit na 'to? Friendly date pwede naman diba?

"Chinitssss. May kadate ka na sa valentines?"

"Meron." sagot niya kaya napairap na lang ako.

"Edi ikaw na." nag make face naman ako kaya natawa siya.

"Wala kang kadate noh?"

"Wala. Mukha bang meron? Kaya nga tinanong kita eh, tayong dalawa na lang mag date."

"Uyy wag ka nga, landi mo." binato niya ako ng unan at tumawa.

"Grabe hindi ba pwedeng magsama mga broken hearted pag valentines para hindi ganun kalungkot? Di kita nilalandi uyy. Friendly date, date ng magkaibigan." pagpapaliwanag ko.

"Pila na date ko sa araw na yun eh, hmm, 10 pm? Pwede ka? Stroll na lang tayo, I'll bring my motor with me."

"Yes!!!!"

Bigla namang pumasok si Rad at Jovs at tinanong kung bakit ako sumigaw.

"Ah wala niyaya niya lang ako makipagdate." sagot ni Gretch at nawala nanaman ang mga mata niya.

"Date agad, di ka pa nga nakakalabas dito." masungit na sagot ni Rad, problema? Meron ba siya?

"Don't worry, I'll bring her home safe and sound."

Si Jovs at Rad ang nagbabantay sa akin ngayon pero nung bandang 11 pm ay nagpaalam si Jovs na uuwi dahil may emergency daw sa bahay nila dahilan para maiwan nanaman tong german na 'to.

Beauty and the KnightWhere stories live. Discover now