Chapter 19

1.5K 52 106
                                    


***********
Her Smile
***********

M I K A

"HAHAHAHAHAHA! Ganto, hinawakan niya yung wrist ano? tapos HAHAHAHAHAH bumwelo pa siya I like .... I LIKE YOUR SHOES! HAHAHAHAHAHA!" naririndi na ako dito kay Ara, jusko kinukwento niya kasi kay Den yung nangyari dahil umalis na din ito agad.

Actually silang dalawa lang ang may alam ng feelings ko, kasi pag madami ang nakakaalam baka bukas makalawa nakarating na kay Rad diba? Ayoko naman ng ganun.

"Tigilan mo na ako please." naihilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko.

"Ang hina mo talaga." sabay bato ni Den sa akin ng notebook.

Close na kami ulit ni Den, I mean no more feelings na talaga, as in friends na friends.

"Oo na." sagot ko at nagpangalumbaba na lang, haaay.

"Uyy love may kasunod pa." natatawang sabi ni Ara habang kinakalabit si Den.

"Ara tama na." sabi ko dito dahil sobrang nakakahiya.

"Alam mo ba sagot ni Chel?"

"Hindi. Nandun ba ako ha?!" Ayan beast mode na si Den.

"KJ mo." sabay bato ni Ara ng unan kay Den.

Matatawa ka na lang din sa kakulitan nilang dalawa. Hanep si Ara, hindi siya takot kay Den haha.

"Oh ituloy mo na."

"Sagot sa kanya ni Chel,
baliw ka, sapatos mo to eh.
Oh diba? Sobrang sabaw ni Mika! HAHAHA" sobrang saya po ni Ara dahil sa kahihiyan ko ngayong araw.

Nakalimutan kong nilabhan nga pala niya ang sapatos niya kaya hiniram muna niya ang sapatos ko, walang amoy yun ah, twice ko pa lang din nagagamit.

"Tama na huy!" pag saway ko sa kanya. Namumula na ako sa kahihiyan.

At dahil napakabuti niyang kaibigan ay pinatugtog niya pa ang torpedo ng eraserheads at sinabayan pa.

Pasensya na kung ako ay
Di nagsasalita
Hindi ko kayang sabihin
Ang aking nadarama 🎶

Huwag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob
para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay pinanganak na torpe
Sa ayaw at hindi 🎶

Pinalakpakan ko siya na para bang galing na galing ako dahil napakalupit niyang kumanta. Nakakainis, tumpulan nanaman tuloy ako ng tukso.

"Hoy Mika, pag ikaw talaga naunahan iiyak ka tamo." sabi ni Den kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Hindi ko kaya." sagot ko.

"Alin?"

"Sabihin." napakamot na lang din ako sa batok ko, penge lakas ng loob oh.

"Gusto mo ba gatas?" tanong ni Ara.

"Ha? Para saan?"

"Pampalakas. Baka sakaling lumakas loob mo." Nagtawanan naman sila ni Den at nag apir pa. Ang bait diba?

Tumayo na ako at umalis na ng dorm ni Ara, wala naman akong mapapala doon. Nagtext naman si Jovs at puntahan ko daw siya sa bar. Tanghaling tapat, nagbabar loko loko din, pero bilang mabuting kaibigan ay pinuntahan ko siya.

Beauty and the KnightWhere stories live. Discover now