Chapter 31

1.6K 47 154
                                    


************
Heaven by
Your Side
************

M I K A

Nasa gym kami ngayon para sa NT practice. Nireduce na din ng coach namin sa FEU ang trainings namin at ginawa na lang tuwing MWF para na din mag give way sa national team. If ever naman masasagasaan ang training namin ay siya na din ang nagsabi na mas unahin ang bayan.

"Yey for HoRey!" pang aasar sa akin ni Ara, sabi na nga ba.

"Tigilan mo nga ako." inis kong sabi sa kanya.

"Bagay nga kasi kayo!" pag iinsist niya.

"Oh ano naman kung bagay?" kunot noo kong sabi.

"Kayo na lang. Yieee." at nagtaas baba pa ang kilay nito.

Inirapan ko na lang siya at nag patuloy na sa ginagawa ko. Malapit na pala ang Valentine's day, busy nanaman ang mga friends ko. I heard Ria is doing fine at may dinidate from UST, si Bea naman dinedeadma pa rin ni Jia pa minsan, wow ako lang pala walang lovelife.

"Pst. One on one?" alok ni singkit.

"Tara!"

Sa kanya ang bola, at dahil na din nung nakaraang match up namin ay may hint na ako paano depensahan ang singkit na ito.

1) Never go for a steal dahil maiiwan ka lang.

2) Keep your eyes on the ball at wag titingin sa kanya, nakakadistract yung ngiti niya.

3) Wag tumingin sa mata, nawawala iyon, malilinlang ka.

4) Wag masyadong dumikit, she really has a lot of tricks under her sleeve.

5) Wala ata akong chance manalo.

Nagdrive siya papasok at dinikitan ako, sabay step back.

"1-0" nakangiti niyang saad.

I drive, umikot at nagshoot pero nasupalpal nanaman ako ng ate niyo, paano nangyari yun.

Umabot na sa 4 ang score niya at ako ay wala pang naishoot kaya itong singkit tinatawanan ako, well then let's get physical.

Dahil wide ang defense niya, lumayo muna ako ng konti para sa spacing. Ayoko na magsettle sa jumpshot dahil lagi naman niyang naboblock kaya naman nag drive hard ako papunta sa paint area at saka nag layup sa kaliwa dahil sa may kanan niya ako binabantayan.

Pumalakpak naman si Gretch kaya napansin kong pumalakpak din ang mga kateam ko, problema nila?

"First time may makascore kay Gretch sa one on one!" sigaw ni Ther.

"Ayieeee." kantyaw naman nila Ara kaya binato ko yung bola sa gawi nila.

"Wow, totoo. Ikaw unang nakashoot against me sa one on one."

"Hala.. tsamba?" nahihiya kong sagot sa kanya.

"Oh bat ka namumula?" sabay pitik niya sa tenga ko kaya agad ko itong tinakpan.

"Uuy hindi ah."

"Hephep!" sigaw ni Ara.

"HoRey!"

Kailan ba titigil ang mga loko lokong to? Bumalik na kami ni Gretch sa ginagawa namin hanggang sa mapagod kami ng tuluyan. 21-5 ang score, nakakahiya. Pag tingin naman namin ay wala na ang mga kasama namin maliban kay Ther.

Beauty and the KnightWhere stories live. Discover now