Chapter 46

1.6K 42 60
                                    


*******************
Rachel's Property
*******************

M I K A

Uaap season na ulit and may games for alumni na inorganize para sa mga gustong maglaro. 4 na teams lang ang bubuuhin dahil isang mabilis na stint lang naman iyon. Ang makulit kong girlfriend pilit akong pinaglalaro para daw maicheer niya ako.

"Mahal dali na kasi." pang ilang beses niya na iyan. Nakaupo pa siya sa lap ko at nakalingkis ang kamay sa batok ko. Di ko na makita yung nilalaro ko sa phone ko dahil sa kakulitan niya.

"Ayoko nga. Bakit ba?"

"Eh gusto nga kita mapanood ulit. Gusto ko makapagcheer para sayo. Dali na kasi."

Tumingin naman ako sa kanya at sinabing ayoko dahil ang tagal ko ng hindi naglalaro. Simula ng grumaduate ako sa UAAP ay hindi na ako sumali sa kahit anong liga.

"Ang damot mo." sabi niya at tumayo na kaya pinigilan ko siya at hinatak, kaya napaupo ulit siya sa may kandungan ko. Nakatalikod siya sa akin kaya naman ay niyakap ko ito para hindi makaalis.

"Tigilan mo ako Reyes ha. Bitaw." masungit na sabi nito.

"Ayoko nga kasi. Sabay na lang tayo manood. Sabay na lang tayo magcheer sa mga friends natin."

"Cheer mo sila mag isa mo. Bitaw!"

Ayan na galit na siya kaya naman mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at humalik sa may balikat niya.

"Oo na sige na, maglalaro na wag ka lang ganyan."

Hinarap naman ako nito at mukhang kumikinang pa yung mata niya sa narinig kaya natawa na lang ako at humalik ng mabilis sa labi niya.

"Totoo?" paninigurado nito.

"Oo. Ikaw sigurado ka ba? Madaming fan girls dun si Jovs tsaka sa akin."

"Eh syempre dun ako sa malapit sa inyo pupwesto. Kung pwede nga lang sa tabi pa ni coach gagawin ko eh." natatawa nitong sabi.

"Tayo ka na. Ang bigat mo." pang aasar ko pero mabigat na talaga siya. Haay.

"Puro kasi kain. Kaya mo pa bang tumakbo?" maloko nitong sabi.

Umiling ako, hindi na nga din kasi ako regular na nag eexercise kaya malamang hihingalin ako agad. Nagyaya siya na mag jogging daw kami kaya nang palubog na ang araw ay nagpunta kami sa isang malapit na park para magjogging.

Ang lakas magyaya ng jogging pero kalahati pa lang pagod na siya. Dinaig pa yung hingal ko eh. Kasa-kasama namin si Mimi na ang hyper hyper, edi siya na.

"Mahal!" sigaw ni Rad na naiwan na. Bagal bagal eh.

"Buhay ka pa pala?"

"Gago. Buhatin mo ko."

"Luh chicks ka?" sabi ko at tinignan ako nito ng masama. Sabi ko nga diba? Bubuhatin ko ang reyna.

"Babe, napakabigat mo na. Alam mo ba yun?" tanong ko sa kanya.

"Oh talaga babe? Mabigat talaga?" at kinagat niya yung tenga ko kaya nabitawan ko yung tali ni Mimi.

Beauty and the KnightWhere stories live. Discover now