Chapter 3

1.9K 62 16
                                    


************
Watch Me
************


R A C H E L

Dalawang linggo ko na din halos inaasar yung taong labanos pero hindi man lang nagpapatinag, hindi man lang gumaganti or nagagalit sa akin.

"Ano nanaman yang balak mo ha?" pagsita sa akin ni Den.

"Wala ka na dun." sagot ko dahil alam kong pipigilan niya lang ako dahil nga kaibigan niya si labanos.

"Itigil mo na yan Chel sinasabi ko sayo." dagdag niya at ibinalik ang atensyon sa librong binabasa niya.

Lumabas saglit si Labanos kaya naman nilagay ko na yung hinuli kong palaka sa bag niya. Hindi ko alam kung takot siya dito, pero malay niyo naman diba.

Nakatambay si Den dito dahil may 15 mins pa bago ang klase niya. Dumating naman na si Labanos at umupo na sa upuan niya. Malas niya dahil sa lahat ng subject niya na magkaklase kami nasa harap ko siya palagi.

"Labanos." sabi ko at binato siya ng papel. Sinamaan naman ako ni Den ng tingin.

"Tigilan mo ko hilaw na german sheperd." sagot niya, feeling ko onting onti na lang magagalit na to eh. I can't wait for that moment na.

"Kapreng lampa na kulay labanos" pang aasar ko pero hindi niya pinansin.

"Pahinging papel." saad ko para naman makuha niya na yung regalo ko sa kanya.

Hindi naman siya nag atubuling bigyan ako ng papel pero nakita ko kung paano siya namutla at halos maitapon yung bag niya. Natawa na lang din ako dahil sa sobrang taranta niya ay nahulog din siya sa upuan niya.

"Mika ayos ka lang ba?" tanong ni Den at saka ako sinamaan ng tingin ngunit nginitian ko lang sila.

Hindi sumagot si Labanos dahil namumutla pa din siya. Jusko, ang laki laking tao takot sa palaka?

"Lakas talaga ng sapak mo Chel. " binato naman ako ni Den ng sapatos niya buti na lang at nakaiwas ako.

"Ang laki laki mong tao takot ka sa palaka." saad ko kay Labanos saka lumabas ng room para magcr.

Paglabas ko naman ay nakita ko si Jovelyn na paparating, napairap na lang ako. Nang malapit na siya sa akin ay itinapon ba naman ang juice na iniinom niya sa akin. Ang lagkit!

"Bwisit!" sabi ko at sinipa siya na agad naman niyang naiwasan.

"Jovs 1 point, Rachel 0." saad nito nang nakangiti pa.

"Negra!" sigaw ko kaya napalingon siya.

"Crush mo naman." at kinindatan niya pa ako.

"Asa ka!"

Nagtungo na muna ako sa locker ko, maigi na lang at may damit akong itinabi dito. Nag cr na nga ako at pagbalik ko sa klase ay wala pa ang prof namin. Si Den naman ay pinapaypayan si Labanos na medyo namumutla pa din.

"Den, okay na ako." nginitian naman niya si Den kahit namumutla pa siya.

"Sure ka? Tubig gusto mo?" tanong ni Den, I saw concern sa mga mata ni Den. Interesting...

Beauty and the KnightWhere stories live. Discover now