Chapter 12

1.6K 49 46
                                    


***********
In Denial
***********

M I K A

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko at agad ko namang tinignan kung sino ang magtext.

From: Dyosa ng buhay ko <3
I'm off to work Ye! Galingan mo. Sorry hindi ako makakapanood. Alam ko namang kayang kaya mo yan. Aja!

Oh, wag kayong ano. Siya ang nagsave ng pangalan niya sa phone ko at nung one time na pinalitan ko yun at chineck niya ang phone ko ay nagalit siya at napingot ako. Hindi na ulit ako nangahas na palitan yun lalo na't chinecheck niya talaga ang phone ko. Daig pa ang nanay eh.

"Ngiting ngiti ah!" komento ni Ara at sinuntok ako sa braso.

"Chismosa." sabay layo ko sa kanya ng phone ko.

Hindi ko namalayang andun pala si Bea kaya nakuha niya ang phone ko. Pinagsigawan lang naman niya na nagtext ang dyosa ng buhay ko. Buti at naagaw ko na bago pa nila mabasa yung message. Kinutusan ko naman silang dalawa, maigi at kami na lang ang naiwan sa dugout, lumabas na kasi yung iba dahil nanonood sila ng first game.

"Uy sino yan ha? Sumbong kita kay ano." pagbabanta ni Ara. Kung alam mo lang, iisa lang sila ng pagsusumbungan mo.

"Wala ka na dun. Napakachismosa niyo." sagot ko at nag compose na ng irereply ko.

To: Dyosa ng buhay ko <3
Oo naman :) Punta ko jan after game. Behave! Hahahaha!

Itinabi ko na ang aking phone at lumabas na din ng dugout.

Dikit ang laban, Si Ria ang sentro, kami ni Bea ang forward at si Ara at Jovs ang nasa guard, kalagitnaan na ng laro at nagkakainitan na din ang mga players. Nakita kong nagkakapikunan na si Jovs at ang captain sa kabila kaya agad ko silang hinarang kaso mo naman, dahil bida bida daw ako eh binato ako ng bola sa mukha ng isa player.

Shit. Pare solid!

Nadamage ang salamin ko. Nagkaroon ng lightning effect yung isang lens. Nanlumo ako dahil wala naman akong pambili ng bagong salamin at lalong wala akong pampalit dito.

"Ate Ye, okay ka lang?" tanong ni Bea.

"Okay lang, nabasag lang salamin ko." saad ko at napa buntong hininga na lang.

"Siraulo yun ah." nag amok naman si Bea kaya agad kong pinigilan at binatukan.

"Dadagdag ka pa eh." sabi ko.

I had to sit down, hindi ko makita ng maayos yung mga kakampi at kalaban ko. Ang ending tuloy, natalo kami.

"Sorry..." sabi ko kay Jovs nang makalabas kami sa dugout.

"Ano ka ba Ye, kasalanan ko. Sorry." sagot niya.

"Dapat kasi di na ako umawat eh noh." natatawa kong saad kaya binatukan niya ako.

"Baka kung di mo ako inawat nasuntok ko na yun. Masususpend pa ako next game." sagot niya.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya agad ko ding chineck.

From: Dyosa ng buhay ko <3
Kamusta game niyo?

Ayun talo :( nabasag pa salamin ko.

Okay naman mata mo? I mean hindi ba natalsikan ng bubog or what?

Okay naman. No worries, may lightning effect lang yung lens haha.

Beauty and the KnightWhere stories live. Discover now