Chapter 25

1.4K 44 102
                                    


************
First Fight
************

M I K A

I was waiting for her text simula nung umuwi ako kaso wala eh, mukhang hindi talaga ako importante kahit konti sa kanya. Dahil pasko naman, tinext ko siya. Akala ko hindi siya magrereply, pero nang marinig ko yung boses niya, para akong ice cream na natunaw.

"Ano po? Andito si Jovs?" rinig kong sabi niya.

Napabuntong hininga na lang ako, I'm getting jealous sa bagay na ginusto ko naman. Ginusto kong ipaubaya siya sa iba kaya magdusa ako.

"Uhm Ye. Text na lang tayo, andito daw si Jovs. Merry Christmas ulit. See you soon baby tams. Miss na miss na kita." dagdag niya.

"Okay." sagot ko at binaba na din ang tawag.

Napansin ko namang may text message kaya inopen ko na din iyon.

From: Gale
Hi Mika! ❤️ Merry Christmas! I can't wait to see you. Pwede ba kitang ayain here sa bahay? Hmm sa New Year's Eve sana.

Napakunot na lang ang noo ko sa nabasa. New year's eve? Sigurado ba siya? Ni hindi ko nga siya nililigawan o gusto tapos papapuntahin niya ako? Gusto ko makasama pamilya ko noh.

To: Gale
Uhm sorry, family day. Jan. 2 balik namin for training, before training nalang maybe? Lunch?

From: Gale
Okay! Enjoy your vacation my love! ❤️

To: Gale
Okay. Enjoy yours too ☺️

Nilapitan naman ako ni mama at inabutan ng isang baso ng yakult, bitin yung isang maliit sa akin kaya pinagsasama-sama niya na.

"Bakit ang lungkot mo 'nak?" nag aalala niyang tanong.

"May LQ ba kayo ni Rachel?" dagdag pa nito at hindi ko napigilan ang sarili ko matawa, mommy talaga.

"Ma hindi naman po kami. Isa pa, mahaba pila ng manliligaw nun, wala ng time kung dadagdag pa ako." sagot ko at nakatanggap ng solid na kurot mula kay mommy.

"Gusto ko masaya ka, bakit hindi mo subukan?"

"Ma, hindi na ho. Move on na lang ako hehe, pati ikaw ma, mag move on ka na din."

"Ikaw talagang bata ka, manang mana ka sa tatay mo." sabi ni mommy at iniwan na ako sa terrace ng bahay namin.

Nakatingin lang ako sa kalangitan, kakaunti ang mga bituin at malungkot ang awra nito.

Nakikidalamhati ka ba sa puso ko? Tara iyak.

At bigla ngang bumuhos ang ulan. Ang lungkot lungkot, kahit gusto mong sabihin, actually pwede ko naman talagang sabihin pero mas pinili ko kaibigan ko.

-----

Mabilis na nagdaan ang Christmas break, papunta na ako ngayon sa dorm, pagkalapag ko ng gamit ko ay nagpahinga lang ako saglit bago ko tinext si Gale. Sagot niya daw, kaya sa isang restaurant kami kumain.

Beauty and the KnightHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin