Chapter 17

1.5K 48 94
                                    


**************
On the move
**************

M I K A

Nagising ako nang makarinig ako ng kulog, dahil nasa baba ang kwarto ni mommy ay dali dali akong nagtatakbo papunta sa kwarto ko, kung saan natutulog si Rad. Yung hagdan namin na halos may 12 steps ay naging 4 na hakbang ko lang sa kakamadali.

Nang makapasok naman ako ay nakaupo na siya at ang kamay niya ay nasa tenga niya. Nagbrownout naman at kumulog kaya napatakbo siya papunta sa akin at niyakap ako.

Mabilis na nga ang tibok ng puso ko sa pagmamadali na puntahan siya, mas bumilis pa ngayong nakayakap siya sa akin, pero syempre, yumakap ako pabalik.

"Ang laki mong tao takot ka sa kulog." saad ko.

"Wow, ikaw nga takot sa palaka." at nagawa niya pang sumagot ha, piningot pa ang tenga ko.

"Gusto mo ba dun ka na lang sa kwarto ni mommy? Ako na lang dito." suhestyon ko.

"Ayaw. Nahihiya ako yakapin mommy mo pag natakot ako." at sa sinabi niya ay natawa ako.

"Sige na, mahiga ka na at matulog."

"Kantahan mo ako ulit?"

"Ang demanding."

3 araw na din ang lumipas simula nang makarating kami dito, kaya pwede naman na ako mag gitara. Kinuha ko ang gitara ko, medyo kinakalawang na nga yung strings eh pero pwede pa. Tinono ko muna to saka umupo sa edge ng kama.

I froze instantly.

Bigla ba naman kasi siyang yumakap mula sa likod ko, hindi ako prepared dun. Nakayakap siya at ang mukha niya ay nakalapat din sa may bandang balikat ko.

"Ang lambot mo." sabi niya sabay pisil sa baby fats ko grr.

"So sinasabi mo bang mataba ako ha? Suntukan na lang ano?"

"Hindi, sabi ko ang lambot mo, nasaan ang mataba dun ha?!" aww beast mode na.

"Sabi ko nga wala diba? Ang lambot ko, masarap ako yakapin." segway ko.

"Tugtog ka na."

Humigpit naman ang yakap niya dahil biglang kumulog nanaman. Sana lagi na lang ganito, yiee.

Nagsimula naman na akong tumugtog.

Kung may darating
man na umaga
Gusto kita sana muling
marinig, marinig
Ngiti mo lang, ang nakikita ko
Tauhin man ang silid 🎶

Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila 🎶

Ikaw ang araw sa tag-ulan
At sa maulap kong umaga 🎶

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo 🎶

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila 🎶

Napangiti na lang ako, hindi ko din talaga maintindihan pano dumating sa puntong mahal na kita.

Oo maganda ka, pero yung ugali mo grabe sobrang out of the world. Sumasakit lang yung katawan ko sa mga pinaggagagawa mo, pero nung tinigil mo pangbubully mo sa akin hinanap hanap ko, minsan nga naisip ko, asarin kaya kita para ibully mo ako ulit? Kaso ayoko din namang mainis ka sa akin. Ang baliw noh?

Beauty and the KnightWhere stories live. Discover now