Chapter 18

1.6K 50 100
                                    


************************
King of Katorpehan
and
Queen of Kamanhidan
************************

M I K A

Busy ako sa pagkain ng koko krunch na may gatas, asensado na ako eh lol, habang nagbibilang naman si Rad ng ipon niya.

Pansin ko namang namomroblema siya kaya dinala ko na yung bowl ng cereals at lumapit sa kanya.

"Problema mo boss?"

"Kulang." frustrated niyang sagot at ibinagsak ang pera niya sa lamesa.

"Magkano?"

"5K, nakakahiya naman mag advance kay mam ugh."

"Worry no more, super Mika got you." sabi ko at ginulo ang buhok niya.

Umakyat naman ako sa kwarto ko at kumuha ng 5k. Malaki din ang bonus namin nang magchampion kami at meron pa para sa finals MVP, wala naman akong pagkakagastusan kaya tinabi ko lang iyon. Hindi naman din ako mahilig gumastos.

"5k, tadaaah." masigasig ko namang inabot yung pera.

"Ayoko."

"Utang naman yan, di yan bigay." pangungumbinsi ko.

"Babayaran ko to agad." sabi niya kaya tumango na ako.

Bigla naman tumunog ang phone ko at nakitang tumatawag si Ara kaya sinagot ko na din agad.

Nagyayaya siya manood ng sine, sabi ko hanggang 6 pm pa kami ni Rad today, kaya mag last full show na lang kami.

Bago kami magpuntang coffee shop ay nagenroll na muna kami ni Rad. Sa kasamaang palad, wala na kaming subjects na magkaklase kami. Iyak na.

"Makakahinga ka na nang maluwag." pabiro niyang sabi.

"Oo nga eh." at nag exhale pa ako na parang relieve na relieve ako na hindi ko na siya kaklase pero ang totoo niyan ay nalulungkot ako.

"Sino na kaya gagawa ng homeworks ko?" natawa naman kami parehas sa tanong niya.

"Syempre ikaw na." ginulo ko naman ang buhok niya at inakbayan siya. Yieeee chansing joke.

"Gusto mo umangkas?" tanong ko dahil alam niyo na, pag pasan ko siya, pasan ko ang mundo KO.

"Tapos aawayin ako ng fan girls mo? Di na uy, maya na lang pag uwi." kinindatan niya pa ako, napangiti na lang ako.

Ang lakas ng tama ko sayo.

"Oh edi ako na lang pasanin mo." at sumampa ako sa likod niya, muntik pa siyang matumba haha.

"Reyes alis jan!"

"Ayaw haha."

"Ah ayaw mo ha."




"Aray!"

Kinagat niya yung braso ko, bakat na bakat pa yung ngipin niya. Ang sakit.

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon