Chapter 45

1.6K 38 100
                                    


**********************
Until we meet again
**********************

M I K A

Kay aga aga andito nanaman itong asungot sa bahay ni Lala. Hindi ko alam kung may balak ba siyang maging hardinero nila dahil nakialam pa sa pagdidilig.

"Mahal, ang wrinkles." sabi ni Rad at inabutan ako ng kape.

"Wala pang 8 am andito na yang kulugo na yan. Nagsibak pa ng kahoy, aanhin naman ni Lala iyon? Parang tanga." sagot ko kaya natawa naman si Rad at yumakap mula sa likod ko. Nakalapat naman ang pisngi niya sa may likuran ko.

"Babe, bakit ang cute mo magselos?" lalo naman niyang hinigpitan ang yakap niya.

"Kasi nga diba magkarugtong daw bituka niyo. Bwisit."

Natawa na lang si Rad at dinagukan ako. Kung naiinggit daw ako edi magdilig din daw ako at magsibak. Yayain ko na lang si Lala magbasketball, one on one kami hahaha.

-----

"Chel, pwede ba tayong lumabas saglit?"

Parang biglang nag usok ang tenga ko sa narinig at sinilip sila. Subukan mong pumayag Rachel Anne, uuwi ako ng Bulacan agad agad.

"Mike, ano bang gusto mo?"

"Ikaw Chel, ikaw ang gusto ko."

"Masaya ako kay Mika."

"Pero Chel, hindi ka niya mabibigyan ng pamilya."

"She's my family Mike. She's my home, my everything at wala ka ng magagawa para baguhin yun."

I swear my heart skipped a beat sa sinabi niya. Didn't knew she loves me that much.

"Pag isipan mo mabuti Chel."

"I've decided long ago, si Mika lang ang gusto makasamang tumanda. Siya lang Mike, wala ng iba."

Pumasok naman si Rad kaya napabalikwas ako sa pagkakaupo ko. Kunot noo naman niya akong tinignan.

"Nakikinig ka ba?" tanong niya kaya napalapit na lang ako sa kanya at niyakap siya.

"I love you Rad. Sagad sa buto." saad ko sabay pinaulanan siya sa kanyang mukha ng mumunting halik hanggang sa tampalin niya ang noo ko.

"Puro laway na ako Mika."

Natawa na lang ako sa sinabi niya at niyakap siya nang mas mahigpit. Sobrang swerte ko sa taong to.

"Oh ano? Magseselos ka pa?" tanong niya.

"Hindi na pero kiss muna." nagpout naman na ako pero palad niya lang ang nahalikan ko dahil ayaw niya.

"Ano ka chicks?"

Napailing na lang ako at sinabihan siyang yayayain ko si Lala magbasketball. Tinawanan niya ako kaya binatukan ko siya ng mahina. Di naman ako nagjojoke tawa siya ng tawa.

Beauty and the KnightWhere stories live. Discover now