Chapter 26

1.4K 45 84
                                    


***********
Decisions
***********

M I K A

Dalawang linggo mula ng gabing magkasagutan kami ni Rad ay hindi na nga niya ako pinakialaman, kahit pa naaabutan niya kami ni Gale minsan sa tanghali sa dorm ay wala na siyang violent reactions.

I felt kinda guilty dahil sa nangyari, halos dalawang linggo na din kaming hindi nagkikibuan sa dorm, namimiss ko siya kahit ang lapit lapit niya sa akin.

Here we are, kakatapos lang ng shift namin. Gusto ko siyang alukin ng libreng sakay sa likod ko kaso dumating si Jovs. Lagi naman na niya sinusundo si Rad dito kaya wala na akong silbi.

"Ye, tara na." paanyaya ni Jovs nang makaupo si Rad sa shotgun seat.

Nagkatinginan pa kami saglit ni Rad, ako na din ang unang umiwas dahil para iyong magnet na hinihila lang ako lalo sa kanya.

"Una na kayo. May dadaanan pa ako. Ingat! Ingatan mo yang hilaw na german na yan." nakangiti kong bilin sa kanya.

Nauumay na ako sa nakikita ko pag isinasabay nila ako, nakakasawang saktan ang sarili kaya hindi na muna ako sasabay. Wala naman talaga akong dadaanan, isa lang naman iyong napakagandang palusot.

Napadaan ako sa isang bar at nakitang nakaupo si Ria sa labas nito kaya naman nilapitan ko siya.

"Ri." pagtawag ko sa kanya. Nag angat naman siya ng mukha at nakita kong umiiyak na ito.

"Ate Ye." tumayo siya at niyakap ako.

"Ang laki mong tao tapos iiyak ka dito, nakakabading Ri." biro ko sa kanya, baka sakaling gumaan ang pakiramdam niya.

"Ate, mahal na mahal ko." saad niya.

Ako din Ri, mahal na mahal ko.

Kasabay ng pagtangis ni Ria ay ang paulit ulit na pagkadurog ng puso ko sa katotohanang may nag mamay ari na sa puso ni Rad. Hindi si Ria, at lalong hindi ako.

Niyakap ko si Ria pabalik, alam ko at naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Ginawa niya lahat pero kulang pa din, hindi siya ang nanalo sa puso ni Rad.

"Ria" saad naman ni Bea na patakbong lumabas ng bar kaya agad akong nagpahid ng luha.

"Ate Ye." dagdag niya at saka nakiyakap.

"Ano ba to? Reunion? Kakakita lang natin kanina ah." pabiro kong sabi pero itong isa iyak pa din ng iyak.

"Ate ang sakit sakit." saad ni Ria.

I know my friend, I know. I feel you.

"Ang masaktan ay kaakibat na ng pagmamahal. Pag nagmahal ka, hindi pwedeng hindi ka masasaktan." sabi ko sabay pat sa ulo nito habang nagpupunas na siya ng luha.

"You guys are way soooooooo emotional. You take girls seriously that's why you end up being hurt." litanya ni Bea.

"Takot ka kasi masaktan." at inismiran ko siya, alam ko na yang mga ganyang galawan Bea, it's either takot ka or once ka ng nasaktan.

Sumenyas naman ito na parang nagzip siya ng mouth niya at nagtaas ng dalawang kamay. Hinagod hagod ko naman ang likod ni Ria dahil humahagulgol na siya. Nakakaawa naman tong batang to.

"Kung makaiyak ka kala mo naman naging kayo." pang aalaska ko sa kanya.

"Apply cold water to the burn area." natatawang ani ni Bea.

Beauty and the KnightWhere stories live. Discover now