Chapter 47

1.7K 41 91
                                    


*************
Jenga Twist
*************

R A C H E L

"Chel ano ba? Hindi ka ba talaga manonood?" tanong ni Den.

"Ayoko. Bahala siya dyan."

"Para kang baliw. Siya ba yung nagpost nun ha? Niretweet niya lang naman yung picture nila ni Gretch. Isa pa ikaw nagpumilit dun na maglaro siya dahil gusto mo siya mapanood tapos ngayong last game na nila hindi ka pupunta?"

Inaway ko si Mika dahil niretweet niya yung picture nila na Gretch at may caption pang "yey for HoRey". Sino ba naman matinong girlfriend ang matutuwa sa ganun diba? Iship daw ba yung sarili sa ex. Tuktukan ko pa siya.

"Niretweet lang naman para kang tanga."

"Retweet plus caption. Ah basta ayoko."

Nagring naman ang phone niya kaya sinagot niya ito.

"Hello Ye? Ayaw sumama ng magaling mong girlfriend." bungad ni Den dito at niloudspeaker niya.

"Ah ganun ba, sige hindi na lang ako maglalaro. Papabangko na lang ako. Ingat ka Den." sagot ni Mika kaya sinamaan ako ni Den ng tingin.

Nahiga na ako muli sa kama ko at umalis na si Den. Last game na nila, finals na. Ang kalaban nila ay ADMU-LASALLE ulit, meaning may HoRey moments nanaman sila kaya ayokong manood.

"Ahhh!"

Napakamot na lang ako at nagbihis na. Hindi ko naman matiis si Mika pero hindi ako magpapakita sa kanya. Nagtungo na ako sa MOA at ang loko loko, hindi nga talaga naglaro. Medyo malayo ako sa kanila kaya hindi nila ako kita, sa dami ba naman ng tao dito diba.

35-20 ang score at lamang ang kalaban. Binabatukan na siya nila Ara habang papunta sa dugout dahil halftime na. Napabuntong hininga na lang ako at nagtungo na din sa dugout nila. Hinintay ko na lang siya sa labas dahil nakakahiya kung iistorbuhin ko ang meeting nila.

Siya ang huling lumabas sa dugout kaya naman nagulat siya nang makita niya ako.

"Babe." ani niya.

"Galingan mo." saad ko at nilapitan siya para bigyan ng isang mabilis na halik at ngumiti. "Sorry."

"Okay na. Andito ka na eh." sabay gulo niya sa buhok ko kaya pinitik ko ang tenga niya.

"Dapat manalo kayo. Kapag kayo hindi nanalo ano... basta! Pag isipan ko muna." natawa na lang kami parehas at niyakap niya ako.

"Halika na." sabi niya at hinatak ako habang hawak hawak ng maigi ang kamay ko. Hala siya.

"Ye, huy ano ka ba." sabay palo ko sa kanya. Medyo nahiya ako, hindi naman ako sanay sa camera noh.

"Coach, paupuin niyo muna to sa tabi niyo. Good to go na po ako." sabi ni Mika sa coach niya.

Napailing na lang ang coach niya at pinapasok na nga ito sa loob. Naghuddle muna sila sa gitna at pumwesto nang makapito na ang referree. Pag binabantayan ni Gretch si Mika ay may lumalapit agad dito para mag screen kaya nakakawala ito agad. Napangiti na lang ako. She doesn't want me to get jealous, how sweet.

Every timeout ay lalapit siya sa akin para magpapunas ng pawis, naging P.A pa ako ng hindi oras. Natatawa na lang din ako na medyo nahihiya kasi sumisigaw yung iba pag lumalapit sa akin si Mika. Sobrang bagay kami diba kaya nakakakilig? I know haha!

Beauty and the KnightUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum