Chapter 11 w/ *AraDen*

1.6K 52 36
                                    


***************
I think she's
falling for her
***************

M I K A

Nagwawarm up na kami nang makita ko si Rad na dumating sa venue, start na kasi ng UAAP at first game namin ngayon. Agad ko naman siyang nilapitan.

"Asan si Aby at Den?" tanong ko.

"Nag-CR lang. Galingan mo ha. Pinapanood ka ng crush mo kaya dapat ikaw ang player of the game." natatawa niyang biro.

"Mas inspired yung isa, pinapanood ng girlfriend niya eh." sabay turo ko kay Ara.

"Balik ka na dun. Pagalitan ka pa ng coach mo, lumalandi ka nanaman." natawa na lang ako sa sinabi niya, ang kapal naman talaga.

Bumalik na ako sa pagwawarm up, hindi pa kami kasama ni Ara sa first 5, mas maganda daw work namin ni Ara kung magkasama kami, kaya kami ang spark off the bench.

Nagsimula na ang game, ang best friend ko ay umarangkada nanaman, 8 points in 3 minutes. Walang nakakalusot na bola sa paint area dahil kay Ria at Bea, ang lakas ng depensa.

Ipinasok kami ni Ara nung 3 minutes na lang ang natitira sa first quarter, walang nagbabantay sa akin. Sino ba naman gusto magbantay sa nakasalamin at mukhang lampa diba? Baka naisip nilang matangkad lang ako haha.

"Ayaw ka bantayan pre, pakitaan mo nga." natatawang komento ni Ara nang pababa na kami para sa opensa.

"Kalma, papakitaan natin yan." sagot ko kay Ara.

21-4 na ang score, last minute na, nagdrive si Ara papasok. Nagbackdoor cut naman ako at inihagis niya sa ere ang bola. I jumped to catch the ball and hammered it down. Natahimik bigla ang crowd.

May violation ba akong nagawa?

"Woah! Did we just saw a girl dunk?!"

"That was AMAZINGGGG!"

"REYES REYES!!" I heard the crowd chant.

"Crowd favorite na ba?" nakakalokong asar ni Ara.

"WAG LUMAKI ULO OY!" napalingon ako saan galing yung boses, si Rad pala.

Loko loko talaga. Natukso nanaman tuloy ako ni Ara, hindi pala niya alam na manonood din sila Rad.

"Inspired pala yieee." sabay sundot niya sa tagiliran ko.

"Sira ka." umiling iling pa ako.

"May paticket pa, yieee." natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ewan ko sayo."

Natapos na nga ang laban namin at player of the game kami ni Ara. 15 points, 7 rebounds, 3 assists ang stats ko at 13 points, 6 assists naman ang kay Ara.

"Naks, player of the game." sabi ni Jovs.

"Ang galing niyo ate." sabi ni Ria at nakipag apir sa amin ni Ara.

Beauty and the KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon