Chapter 36 w/ *HoRey*

1.5K 44 101
                                    


****************
Left and Right
****************

A R A

"WHAT?!" sigaw ni Den kay Rachel kaya napatakip na lang din ako agad ng tenga. Kailangan ba talagang sumigaw?

"Love, kalma." pagsuway ko sa kanya.

"Bakit ngayon lang? You are so--" mukhang may sasabihin pa siya pero pinigilan ko siya dahil hindi naman kami pwede makisawsaw sa lovelife nila.

Ganito kasi yun, hindi niya malaman kung inlove ba talaga siya kay Mika, at hindi niya alam kung ano nang nangyayari sa feelings niya kay Jovs kaya humihingi siya ng tulong sa amin kung ano ba ang dapat gawin.

"HoRey shipper talaga ako Rachel eh." saad ko dahilan para malungkot ang isang to pero hindi ko siya pwedeng kunsintihin.

"Rachel kasi naman, ano bang nangyari?" dagdag ko.

"Hindi ko alam." At bigla naman siyang umiyak kaya nilapitan ito ni Den at niyakap.

Napailing na lang ako, ang laki naman ng gulong papasukin niya kung saka sakali. Kaya nga hindi na siya niligawan ni Mika kasi mas mahalaga sa ugok na yun yung friendship niya with Jovs, tapos ngayon naman baka magbreak sila dahil sa kanya? Edi masisira din sila pag nagkataon.

"Rachel kasi naman, alam mo ba kung gaano ka kumplikado yan?" tanong ko sa kanya.

"Alam ko at sobrang nahihirapan ako ngayon, sa tingin niyo ba ginusto ko 'to? Ginusto ko ba na mamangka sa dalawang ilog?" wow what a metaphor.

"Edi gawin mo yung tama. It's either break Jovs now habang maaga pa, or ignore what you are feeling for Mika kung ano man yan." seryoso kong sagot sa kanya.

"Love, can't we just help her?" tanong ni Den.

"Ha? Paano mo naman tutulungan yang siraulo na yan?" sinamaan naman ako ni Chel ng tingin kaya agad akong nagpeace sign. Mas takot ako sa kanya kaysa kay Den eh Hahaha.

"Rachel, we're doing this kasi gusto namin tulungan ka iassess ang feelings mo ha? Kung ano man ang malalaman natin today, atin atin lang ito. I promise you that, trust me on this one ha?" sabi niya habang hawak niya ang dalawang balikat ni Chel.

"How? Eh you somehow cheated on Mika."

Naguilty naman ako nung marinig ko yun pero nakita kong binaliwala na lang ito ni Den.

"Andun na tayo Chel, kaya I don't want you to do that same mistake. Okay?" tumingin naman sa akin si Den.

"Ikaw naman dyan, wala akong regret na pinili kita ha? Loving you was never a mistake. Labyu. Baka kung ano ano isipin mo eh." dagdag pa nito. Kilig me.

Napailing na lang ako at lumapit sa kanilang dalawa. Pinakuha naman ako ni Den ng papel at itake note ko daw ang isasagot ni Chel sa mga tanong niya. Pinapikit niya ito at pinagfocus. Walang ibang papakinggan kundi siya lang. Medyo creepy pala to si Den, mamaya baka kinukulam niya na si Chel nako.

Pinasulat sa akin ni Den ang mga tanong niya, hindi magsasalita si Chel kundi itatap niya lang ang table using her left or right index. Maybe it's Jovs between Mika. Hindi ko alam kung sino ang left o right dahil sabi ni Den, si Chel na lang daw ang makakaalam nun.

Natapos na ang mga tanong ni Den at heto ang result: L at R lang nilagay ko, ang bilis ni Den din magsalita eh, kailangan ko habulin.

Sino mas nagpapasaya sayo? L

Beauty and the KnightUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum